Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kasuotang Napalitan, Oktubre 15

    “Ngunit nang pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin, may nakita siya roong isang tao na hindi nakadamit pangkasal, Sinabi niya sa kanya, ‘Kaibigan, paano ka nakapasok dito na hindi nakadamit pangkasal?’ Ngunit hindi siya nakapagsalita,” Mateo 22:11,12,TKK 303.1

    Itapon ang iyong damit na pang-mamamayan, at isuot ang kasuotang pangkasal na inihanda ni Cristo. Pagkatapos ay maaari kang maupo sa mga makalangit na lugar kasama si Cristo Jesus. Malugod na tinatanggap ng Diyos ang lahat ng lumalapit sa Kanya bilang sila, nang hindi itinatayo ang kanilang sarili sa sariling katuwiran, hindi naghahangad na bigyang-katwiran ang sarili, hindi naghahabol ng gantimpala para sa tinatawag nilang mabubuting gawa, hindi ipinagmamalaki ang kanilang sarili sa kanilang inaakalang kaalaman. Habang ikaw ay lumalakad at gumagawa sa kaamuan at kababaan ng puso, isang gawain ang inilaan para sa iyo—isang gawaing ang Diyos lamang ang makagagawa. Ang Diyos ang gumagawa sa iyo, kapwa ang naisin at gawin ang Kanyang mabuting kalooban. Ang mabuting kaloobang iyon ay ang makita kang nananahan kay Cristo at nananatili sa Kanyang pagibig.TKK 303.2

    Huwag hayaan ang kahit anong bagay na nakawan ang iyong kaluluwa ng kapayapaan, ng katahimikan, ng katiyakan na ikaw ay tinanggap na ngayon. Angkinin ang bawat pangako; lahat ay iyo kung susunod ka sa mga itinakdang tuntunin. Ang buong pagsuko sa sarili, ang pagtanggap sa mga kaparaanan ni Cristo, ay ang susi sa ganap na kapahingahan sa Kanyang pag-ibig.TKK 303.3

    Ang kapahingahang nananatili—sino ang mayroon nito? Matatagpuan ang kapahingahan na iyon kapag ang buong pagbibigay-katarungan sa sarili, ang lahat ng pangangatwiran mula sa isang makasariling pananaw, ay inalis. Ang buong pagsuko sa sarili, ang pagtanggap sa Kanyang mga kaparaanan, ay ang susi sa ganap na kapahingahan sa Kanyang pag-ibig. Dapat nating matutuhan ang Kanyang kaamuan at kababaan bago natin maranasan ang katuparan ng pangakong “Makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa” (Mateo 11:29). Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga kaugalian ni Cristo ang sarili ay nababago—sa pamamagitan ng pagpasan ng Kanyang pamatok, at pagkatapos ay pagpapasakop upang matuto.TKK 303.4

    Nangangahulugan ng higit pa sa inaakala ng marami ang pagbibigay ng buhay kay Cristo. Tumatawag ang Diyos para sa isang buong pagsuko. Hindi natin matatanggap ang Banal na Espiritu hangga't hindi natin binabali ang bawat pamatok na nagbibigkis sa atin sa ating mga hindi kanais-nais na mga katangian ng karakter. Ito ang mga malalaking hadlang sa pagpasan ng pamatok ni Cristo at pagkatuto sa Kanya. Walang sinuman ang hindi maaaring matututo nang higit. Ang lahat ay dapat sanayin ni Cristo.— REVIEW AND HERALD, April 25,1899.TKK 303.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents