Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    May Mapagpakumbabang mga Puso, Abril 10

    “Sapagkat ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal: ‘Ako'y naninirahan sa mataas at banal na dako, at gayundin sa may pagsisisi at mapagpakumbabang-loob, upang buhayin ang loob ng mapagpakumbaba, at upang buhayin ang puso ng may pagsisisi” Isaias 57:15,TKK 109.1

    Ang lahat ng lalapit sa Salita ng Diyos para sa gabay, na may mapagpakumbaba at nagtatanong na mga pag-iisip, at desididong malaman ang mga kinakailangan para sa kaligtasan, ay makakaunawa sa sinasabi ng Kasulatan. Ngunit silang nagdadala sa pag-aaral ng Salita ng espiritung hindi nito tinatanggap ay makakatanggap mula sa paghahanap ng espiritung hindi nito ibinigay. Hindi mangungusap ang Panginoon sa kaisipang walang pakialam. Hindi Niya inaaksaya ang Kanyang turo sa isa na sadyang walang pagpapahalaga sa Diyos o narumihan. Ngunit tinuturuan ng manunukso ang bawat pag-iisip na isinusuko ang sarili nito sa kanyang mga mungkahi, at nakahandang gawing walang bisa ang banal na kautusan ng Diyos.TKK 109.2

    Kailangan nating magpakumbaba sa ating mga puso, at saliksikin ang Salita ng buhay na may katapatan at paggalang sa Diyos; sapagkat tanging ang isip na mapagpakumbaba at nagsisisi ang makakakita sa liwanag. Kailangang maihanda ang puso, pag-iisip, at ang kaluluwa na tumanggap ng liwanag. Dapat na magkaroon ng katahimikan sa kaluluwa. Kailangang madala sa pagkabihag kay Jesu-Cristo. Dapat na tumayong nasasaway sa presensiya ng Salita ng Diyos ang nagmamataas na karunungan at ang pagtitiwala sa sarili.TKK 109.3

    Nangungusap ang Panginoon sa pusong ibinababa ang sarili nito sa Kanyang harapan. Sa altar ng panalangin, habang hinahawakan ang trono ng biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya, tumatanggap tayo mula sa kamay ng Diyos ng makalangit na sulo na nagpapaliwanag sa ating kadiliman, at kinukumbinsi tayo ng ating pangangailangang espiritwal. Kinukuha ng Banal na Espiritu ang mga bagay ng Diyos, at ipinapahayag ang mga ito sa kanya na tapat na naghahanap sa makalangit na kayamanan. Kung susunod tayo sa Kanyang gabay, pinangungunahan Niya tayo tungo sa lahat ng liwanag. Habang tumitingin tayo sa kaluwalhatian ni Cristo, nababago tayo sa Kanyang wangis. Nagkakaroon tayo ng pananampalatayang gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig, at nagpapadalisay sa kaluluwa. Nababago ang ating mga puso, at ginagawa tayong handang sumunod sa Diyos sa lahat ng bagay.— REVIEW AND HERALD, Deeember 15,1896 .TKK 109.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents