Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Dinadalisay ng Araw ng Katuwiran ang Kaluluwa, Oktubre 12

    Na nagpapasalamat sa Ama, na ginawa niya tayong karapat-dapat na makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan, Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak, Colosas 1:12,13,TKK 300.1

    Pribilehiyo ng bawat masugid na naghahanap ng katotohanan at katuwiran na magtiwala sa tapat na mga pangako ng Diyos. Inihahayag ng Panginoong Jesus ang katotohanan na ang mga yaman ng banal na biyaya ay buong ibinigay para sa ating pamamahagi, upang tayo ay maging daluyan ng liwanag. Hindi natin matatanggap ang mga kayamanan ng biyaya ni Cristo na walang pagnanais na ibahagi ito sa iba. Kapag nasa mga puso natin ang pag-ibig ni Cristo, madarama natin na ating tungkulin at pribilehiyo ang ipagbigay-alam ito. Ang araw na sumisikat sa mga kalangitan, ay ibinubuhos ang maliwanag na sinag nito sa lahat ng mga lansangan at daanan ng buhay. May sapat itong liwanag para sa libu-libong mundo na katulad ng atin. At gayon din sa Araw ng katuwiran; ang Kanyang maliwanag na mga sinag ng pagpapagaling at kagalakan ay sapat na upang iligtas ang ating munting mundo, at mabisa sa pagtatatag ng katiwasayan sa bawat mundong nilikha. . . .TKK 300.2

    Yaong mga napagtanto ang kanilang pangangailangan ng pagsisisi sa Diyos, at pananampalataya sa ating Panginoong Jesu-Cristo, ay magkakaroon ng pagkalungkot ng kaluluwa, at magsisisi sa kanilang paglaban sa Espiritu ng Panginoon. Ihahayag nila ang kanilang kasalanan sa pagtanggi sa liwanag na ipinadala sa kanila nang may kagandahang loob, at kanilang tatalikuran ang kasalanang pinighati at inalipusta ang Banal na Espiritu. Sila ay magpapakumbaba ng sarili, at tatanggapin ang kapangyarihan at biyaya ni Cristo, na kinikilala ang mga mensahe ng babala, pagsaway, at paghihikayat. Sa gayon, maihahayag ang kanilang pananampalataya sa gawain ng Diyos, at magtitiwala sila sa sakripisyo ng pagtubos. Maglalaan sila ng masaganang biyaya at katuwiran ni Cristo, at Siya sa kanila ay magiging Tagapagligtas na laging naroon; sapagkat mapagtatanto nila ang kanilang pangangailangan sa Kanya, at mananatili sila sa Kanya nang may buong pagtitiwala. Iinom sila ng tubig ng buhay mula sa banal at hindi nauubos na Bukal. Sa isang bago at pinagpalang karanasan, ilalagak nila ang kanilang mga sarili kay Cristo, at magiging kabahagi ng kalikasang banal.— REVIEW AND HERALD, August 26,1890 .TKK 300.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents