Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Makalangit na Kalapati, Enero 6

    “Nagpatotoo si Juan, ‘Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa langit at dumapo sa Kanya'”Juan 1:32.TKK 12.1

    Si Cristo ay halimbawa natin sa lahat ng bagay. Bilang sagot sa Kanyang panalangin sa Kanyang Ama, nabuksan ang kalangitan, at bumaba sa Kanya ang Espiritu sa anyo ng isang kalapati. Dapat na makipag-ugnayan sa tao ang Banal na Espiritu ng Diyos, at manahan sa mga puso ng mga masunurin at tapat. Darating ang liwanag at kalakasan sa mga masikap na naghahanap dito upang magkaroon sila ng karunungan na labanan si Satanas, at managumpay sa mga panahon ng tukso. Dapat tayong managumpay kung paanong nanagumpay si Cristo.TKK 12.2

    Sinimulan ni Jesus ang Kanyang pampublikong ministeryo sa masikap na pananalangin, at ipinakikita ng Kanyang halimbawa ang katunayan na kailangan ang panalangin upang makapamuhay ng matagumpay na buhay- Kristiyano. Palagi Siyang nakikipag-ugnayan sa Kanyang Ama, at inilalahad sa atin ng Kanyang buhay ang isang perpektong huwaran na kailangan nating sundan. Pinahalagahan Niya ang pribilehiyo ng pananalangin, at ipinakita ng Kanyang mga gawa ang mga resulta ng pakikipag-usap sa Diyos. Sa pagsusuri sa tala ng Kanyang buhay, makikita natin na sa lahat ng mahahalagang pagkakataon, nagpupunta muna Siya sa kakahuyan, o sa katahimikan ng mga kabundukan, at nag-aalay ng taimtim at matiyagang pananalangin sa Diyos. Madalas Niyang ginugugol ang buong magdamag sa pananalangin bago Siya mangailangang gumawa ng isang makapangyarihang himala. Sa mga panahong ito ng pananalangin sa gabi, pagkatapos ng maghapong paggawa, mapagmahal Niyang pinaaalis ang mga alagad Niya, upang makauwi sila para magpahinga at matulog, samantalang ibinubuhos naman Niya sa harapan ng Diyos ang mga mataimtim Niyang kahilingan nang may malakas na pag-iyak at mga luha para sa sangkatauhan.TKK 12.3

    Pinalakas si Jesus para sa tungkulin at pinatibay para sa pagsubok sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos na dumating sa Kanya bilang tugon sa panalangin. Nakadepende tayo sa Diyos para sa tagumpay ng pamumuhay ng buhay-Kristiyano, at binubuksan sa atin ng halimbawa ni Cristo ang landas na sa pamamagitan nito'y matutuklasan natin ang di-nauubos na pagkukunan ng kalakasan, na mula dito'y maaari tayong makatanggap ng biyaya at kapangyarihan upang labanan ang kaaway at lumabas na mananagumpay. Sa tabi ng Jordan, nag-alay si Cristo ng panalangin bilang kinatawan ng sangkatauhan, at ang nagbubukas na kalangitan at ang tinig na nagpapatibay ay tumitiyak sa atin na tinatanggap ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng mga nagawa ng Kanyang Anak.— SIGNS of THE TIMES, July 24,1893.TKK 12.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents