Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagkamapagbigay, Marso 22

    Ang bawat isa ay magbigay ayon sa ipinasya ng kanyang puso, hindi mabigat sa kalooban, o dala ng pangangailangan, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay na masaya, At kaya ng Diyos na pasaganain ang lahat ng biyaya sa inyo, upang sa pagkakaroon ninyo ng sapat sa lahat ng bagay ay palagi kayong sumagana sa bawat mabuting gawa, 2 Corinto 9:7, 8,TKK 89.1

    Kapag napalambot ng presensiya ng Espiritu ng Diyos ang mga puso ng mga tao, mas madali nilang tanggapin ang mga impresyon ng Banal na Espiritu, at nagagawa ang mga pagpapasya na tanggihan ang sarili at magsakripisyo para sa gawain ng Diyos. Kapag sumikat ang banal na liwanag sa mga silid ng isipan nang may pambihirang linaw at kapangyarihan, napapanagumpayan ang mga damdamin ng natural na tao at nawawalan ng kapangyarihan sa puso ang pagkamakasarili, at nagigising ang mga hangaring gayahin ang Huwaran na si Jesu-Cristo, sa pagsasakabuhayan ng pagtanggi sa sarili at pagkakawanggawa. Kung gayo'y ang ugali ng likas na makasariling tao ay nagiging mabait at maawain sa mga nawaglit na makasalanan, at taimtim siyang nangangako sa Diyos, kagaya nina Abraham at Jacob.TKK 89.2

    Nariyan ang mga makalangit na anghel sa mga ganitong okasyon. Ang pag-ibig sa Diyos at pagmamahal sa mga kaluluwa ay nagtatagumpay sa pagkamakasarili at hilig sa sanlibutan. Lalo nang ganito ang nangyayari kapag inilalahad ng tagapagsalita, sa Espiritu at kapangyarihan ng Diyos, ang plano ng pagtubos na inilatag ng Kamahalan ng langit sa sakripisyo doon sa krus....TKK 89.3

    Binigyan ng Diyos ng bahagi ang tao sa pagsasakatuparan ng kaligtasan ng kanyang mga kapwa. Puwede siyang gumawa nang kaugnay ni Cristo sa pamamagitan ng mga gawa ng kahabagan at pagkamapagbigay. Pero hindi niya sila kayang tubusin, hindi kayang punan ang mga hinihingi ng nainsultong katarungan. Tanging ang Anak ng Diyos ang kayang makagawa nito, sa pamamagitan ng pagsasaisantabi sa Kanyang karangalan at kaluwalhatian, na dinaramtan ng pagkatao ang Kanyang pagka-Diyos, at pumarito sa lupa upang magpakababa at ibuhos ang Kanyang dugo para sa sangkatauhan.TKK 89.4

    Sa pag-atas sa Kanyang mga alagad na humayo “sa buong sanlibutan, at inyong ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng nilikha” (Mareos 16:15), itinatakda ni Cristo sa mga tao ang gawain ng pagpapalaganap ng magandang balita. Pero habang may mga humahayo para mangaral, tinatawagan naman Niya ang iba na managot sa Kanyang mga karapatan sa kanila sa mga ikapu at mga handog para suportahan ang ministeryo at ipangalat ang nakalimbag na katotohanan sa buong lupa.— TESTIMONIES FOR THE CHURCH, vol. 4, pp. 470-472 .TKK 89.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents