Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Higit Pang Pangangaral, Oktubre 26

    Na ang mga bagay na ito ay aming sinasabi hindi sa mga salitang itinuro ng karunungan ng tao, kundi ng itinuturo ng Espiritu na ipinapaunawa ang mga espiritwal ng mga espiritwal, 1 Corinto 2:13,TKK 314.1

    Bago ang Kanyang paglisan sa Kanyang mga alagad para sa mga bulwagan sa langit, pinalakas ni Jesus ang loob nila sa pangako ng Banal na Espiritu. Ang pangakong ito ay atin gaya ng kung ano ito sa kanila, gayunpaman napakabihira nitong mailahad sa harap ng mga tao, pati ang pagsasalita tungkol sa pagtanggap nito sa iglesya.TKK 314.2

    Bilang resulta ng katahimikang ito tungkol sa pinakamahalagang paksang ito, anong pangako ang hindi natin gaano nalalaman tungkol sa praktikal na katuparan nito kaysa sa saganang pangakong ito na kaloob ng Banal na Espiritu, kung saan ang kakayahan ay ibinibigay sa lahat ng ating espiritwal na gawain? Ang pangako ng Banal na Espiritu ay kaswal na nadadala sa ating mga talakayan, nagkataon lang na napag-usapan, at iyon lang. Pinagtalakayan ang mga propesiya, naipaliwanag ang mga doktrina; ngunit kung ano ang kailangan sa iglesya upang lumago ito sa espiritwal na lakas at kahusayan, upang ang pangangaral ay magdadala ng pananampalataya kasama nito, at ang mga kaluluwa ay manampalataya sa Diyos, ay higit na hindi isinama sa mga pagsisikap sa paglilingkod.TKK 314.3

    Isinantabi ang paksang ito, na para bang may panahon sa hinaharap na ibibigay para sa pagsasaalang-alang nito. Inilahad ang ibang mga pagpapala at pribilehiyo sa mga tao hanggang sa magising ang isang pagnanais sa iglesya para sa pagkamit ng pagpapalang ipinangako ng Diyos; subalit ang pinaniniwalaan hinggil sa Banal na Espiritu ay na ang kaloob na ito ay hindi para sa iglesya sa ngayon, kundi sa isang panahon sa hinaharap magiging mahalaga para sa iglesya ang tanggapin ito.TKK 314.4

    Ang ipinangakong pagpapalang ito, kung aangkinin sa pamamagitan ng pananampalataya, ay magdadala ng lahat ng iba pang mga pagpapala na kasunod nito, at ibibigay ito nang sagana sa bayan ng Diyos. Sa pamamagitan ng mga tusong pamamaraan ng kaaway ang mga isipan ng bayan ng Diyos ay tila walang kakahayang unawain at angkinin ang mga pangako ng Diyos. . . . Isang ani ng kagalakan ang aanihin ng mga naghahasik ng mga banal na binhi ng katotohanan. “Siyang lumalabas na umiiyak, na may dalang itatanim na mga binhi, ay uuwi na may sigaw ng kagalakan, na dala ang kanyang mga bigkis ng inani” (Mga Awit 126:6).— TESTIMONIES TO MINISTERS AND GOSPEL WORKERS, pp. 174,175 .TKK 314.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents