Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pinabanal ang mga Labi, Pebrero 10

    Inilapat Niya ito sa aking bibig, at nagsabi, “Ngayong lumapat ito sa iyong mga labi, ang iyong kasamaan ay naalis na, at ang iyong kasalanan ay pinatawad na,” Isaias 6:7,TKK 48.1

    Sa pamamagitan ng mga makalangit Niyang regalo, gumawa ang Panginoon ng masaganang paglalaan para sa Kanyang bayan. Ang isang magulang sa lupa ay hindi makapagbibigay sa kanyang anak ng banal na karakter. Hindi niya maisasalin ang kanyang karakter sa kanyang anak. Ang Diyos lamang ang makapagpapabago sa atin. Huminga si Cristo sa Kanyang mga alagad, at sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo” (Juan 20:22). Ito ang dakilang regalo ng kalangitan. Ibinigay sa kanila ni Cristo sa pamamagitan ng Espiritu ang sarili Niyang kabanalan. Pinuspos Niya sila ng Kanyang kapangyarihan, para makahikayat sila ng mga kaluluwa sa ebanghelyo. Mula noon, mabubuhay si Cristo sa pamamagitan ng kanilang mga kakayahan, at magsasalita sa pamamagitan ng kanilang mga sinasabi. Binigyan sila ng pribilehiyong malaman na simula noon magiging isa na sila at si Cristo. Dapat nilang pahalagahan ang Kanyang mga prinsipyo at makontrol ng Kanyang Espiritu. Hindi na sila susunod sa sarili nilang paraan, at bibigkas ng sarili nilang mga salita. Ang mga salitang binibigkas nila ay dapat na magmumula sa pusong pinabanal, at lalabas sa mga labing pinabanal. Hindi na nila ipamumuhay ang makasarili nilang buhay; mabubuhay si Cristo sa kanila at magsasalita sa pamamagitan nila. Ibibigay Niya sa kanila ang kaluwalhatiang nasa Kanya kasama ng Ama, upang Siya at sila ay maging isa sa Diyos.TKK 48.2

    Ang Panginoong Jesus ang ating dakilang punong pari, ang tagapamagitan natin sa mga bulwagan ng langit. Ang solemneng kalagayan na kinatatayuan natin bilang mga sumasamba sa harapan Niya ay hindi nabibigyang-halaga. Para sa kapakanan natin sa kasalukuyan at sa walang hanggan, kailangan nating maunawaan ang relasyong ito. Kung tayo'y mga anak Niya, sama-sama tayong ibinubuklod ng mga tali ng kapatirang Kristiyano, na nagmamahalan sa isa't isa gaya ng pagmamahal Niya sa atin, nagkakaisa sa sagradong relasyon nung mga nilinis sa dugo ng Tupa. Kabuklod ni Cristo sa Diyos, dapat tayong magmahal bilang magkakapatid.TKK 48.3

    Salamat sa Diyos na meron tayong dakilang Punong Pari, na pumasok sa kalangitan, si Jesus ang Anak ng Diyos (Hebreo 4:14). Si Cristo ay hindi pumasok sa banal na dakong ginawa ng mga kamay ng tao, kundi sa mismong langit, upang dumulog ngayon sa harapan ng Diyos para sa atin. Sa bisa ng sarili Niyang dugo, Siya ay pumasok minsan magpakailanman sa Dakong Banal sa itaas, sa gayo'y tinitiyak ang walang hanggang katubusan para sa atin (Hebreo 9:24, 12).— GENERAL CONFERENCE BULLETIN, October 1,1899, fourth quarter 1899 .TKK 48.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents