Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Maaaring Piliin at Ihanda ng Diyos ang Sinuman, Hunyo 12

    Ganito ang sabi ng Panginoon: “Huwag magmapuri ang marunong sa kanyang karunungan, at huwag magmapuri ang makapangyarihan sa kanyang kapangyarihan, huwag magmapuri ang mayaman sa kanyang kayamanan; kundi ang nagmamapuri ay dito magmapuri, na kanyang nauunawaan at nakikilala Ako, na Ako ang Panginoon na nagsasagawa ng kagandahang-loob, ng katarungan, at ng katuwiran sa daigdig; sapagkat sa mga bagay na ito ay nalulugod Ako, sabi ng Panginoon.” Jeremias 9:23,24.TKK 174.1

    Gumagawa ang Panginoon sa sarili Niyang paraan, upang hindi itaas ng mga tao ang kanilang sarili sa pagmamalaki sa kanilang nalalaman, at kukunin ang karangalan at kaluwalhatian para sa kanilang sarili. Nais ng Panginoon na maunawaan ng bawat tao na nagmumula sa Panginoon ang kanyang mga kakayahan at mga kaloob. Gumagawa ang Diyos sa pamamagitan ninumang Kanyang ninanais. Kinukuha Niya iyong Kanyang ninanais na gumanap sa Kanyang gawain, at hindi Siya kumukonsulta sa kanilang Kanyang padadalhan ng Kanyang mga sugo kung ano ang ninanais nila tungkol sa kung sino o kung anong uri ng tao ang niloloob nilang magdala ng mensahe ng Diyos sa kanila.TKK 174.2

    Gagamit ang Diyos ng mga lalaking nakahandang magpagamit. Gagamit ang Panginoon ng mga lalaking may katalinuhan kung pahihintulutan nila Siya na hulmahin at isaayos sila, at hugisin ang kanilang patotoo sang-ayon sa Kanyang sariling kaayusan. Ang mga lalaki na matataas o mabababa, may pinag-aralan o wala, ay nararapat na pahintulutan ang Panginoon na patnugutan at pangalagaan ang kaligtasan ng Kanyang sariling arko. Ang gawain ng mga tao ay sumunod sa tinig ng Diyos.TKK 174.3

    Sinumang may kaugnayan sa gawain at sa pinagmamalasakitan ng Diyos ay kailangang patuloy na nasa ilalim ng disiplina ng Diyos. “Ganito ang sabi ng Panginoon: ‘Huwag magmapuri ang marunong sa kanyang karunungan, at huwag magmapuri ang makapangyarihan sa kanyang kapangyarihan, huwag magmapuri ang mayaman sa kanyang kayamanan; kundi ang nagmamapuri ay dito magmapuri, na kanyang nauunawaan at nakikilala Ako, na Ako ang Panginoon na nagsasagawa ng kagandahang-loob, ng katarungan, at ng katuwiran sa daigdig; sapagkat sa mga bagay na ito ay nalulugod Ako, sabi ng Panginoon’ “..TKK 174.4

    May mga kaluluwang nangagugutom para sa tinapay ng buhay, nangauuhaw para sa mga tubig ng kaligtasan; at sumpain iyong taong sa pamamagitan ng panulat o tinig ay ililihis sila sa mga bulaang landas! Nagsusumamo ang Espiritu ng Diyos sa mga tao, na inilalahad sa kanila ang kanilang obligasyong moral na umibig at maglingkod sa Kanya na may puso, kalakasan, at pag-iisip, at ibigin ang kanilang kapwa na tulad sa kanilang sarili. Kumikilos ang Banal na Espiritu sa panloob na sarili hanggang nababatid nito ang banal na kapangyarihan ng Diyos, at bawat espiritwal na kakayahan ay nagising sa tiyak na pagkilos.— REVIEW AND HERALD, May 12, 1896.TKK 174.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents