Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pag-ibig: Ang Pinakamabuting Anunsyo Para sa Katotohanan, Hunyo 21

    “Sa pamamagitan nito ay makikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay Aking mga alagad, kung kayo'y may pag-ibig sa isa't isa,” Juan 13:35.TKK 183.1

    Maaaring maging kamanggagawa ng Diyos ang tao sa pagsasagawa ng dakilang gawain ng pagtubos. Pinapahintulutan ng Diyos ang bawat isa sa kanyang lugar ng pagkilos samantalang ibinigay Niya ang Kanyang Salita bilang gabay ng buhay. Ibinigay rin Niya ang Banal na Espiritu bilang sapat na kapangyarihan na mapanagumpayan ang lahat ng minana at natutuhang hilig sa kasamaan, at upang idiin ang sarili Niyang karakter sa tao, at, sa pamamagitan niya, sa lahat ng papasok sa lugar ng kanyang impluwensiya.TKK 183.2

    Inuudyukan ang tao na makipagtulungan sa Diyos, upang isagawa ang Kanyang kahabagan, ang Kanyang kabutihan, at ang Kanyang pag-ibig, at sa pamamagitan nito'y naiimpluwensiyahan ang ibang pag-iisip. Dapat na maging instrumento ang bawat tao na sa pamamagitan niya'y makakagawa ang Banal na Espiritu. Magiging ganito siya sa pamamagitan lamang ng pagpapasakop ng lahat ng kanyang kakayahan sa kontrol ng Espiritu. Ibinigay ng Diyos ang Kanyang Espiritu noong araw ng Pentecostes, at sa pamamagitan ng paggawa ng Espiritu sa mga pusong tumatanggap maiimpluwensiyahan ng Diyos ang lahat ng nakakaugnayan ng tao.TKK 183.3

    Sa pamamagitan ng ating ugnayan ng pagkakaibigan at pagkakilala sa mga taong katulad natin, maaari tayong magbigay ng impluwensiyang nakapagpapataas. Silang nagkakaisa sa isang pag-asa at pananampalataya kay Cristo Jesus ay maaaring maging pagpapala sa isa't isa. Sinasabi ni Jesus, “Kung paanong minahal Ko kayo, magmahalan din kayo sa isa't isa” (Juan 13:34). Hindi lamang bugso ng damdamin ang pag-ibig. Isang panandaliang emosyon, na nakasalalay sa pagkakataon; ito'y nabubuhay na prinsipyo, isang kapangyarihang permanente. Napapakain ang kaluluwa ng mga agos ng dalisay na pag-ibig na umaagos mula sa puso ni Cristo, bilang isang bukal na hindi nauubusan.TKK 183.4

    O, gaano nga nabubuhay ang puso, gaano ginagawang marangal ang mga layunin nito, napapalalim ang mga damdamin nito sa pamamagitan ng pagniniig na ito! Sa ilalim ng pagtuturo at disiplina ng Banal na Espiritu, minamahal ng mga anak ng Diyos ang isa't isa, nang tunay, matapat, walang pasubali, “walang pagtatangi, walang pagkukunwari” (Santiago 3:17). At ito'y dahil nagmamahal ang puso kay Jesus. Ang ating pagmamahal para sa isa't isa ay nagmumula sa ating magkatulad na ugnayan sa Diyos. Iisa tayong sambahayan, minamahal natin ang isa't isa na tulad ng Kanyang pagmamahal sa atin. Kung ihahambing sa tunay, pinabanal at disiplinadong pagmamahal na ito, ang mababaw na paggalang ng sanlibutan, ang walang kabuluhang paghahayag ng madamdaming pagkakaibigan ay tulad ng ipa sa trigo.— THE ELLEN G. wHITE 1888 MATERIALS, pp. 1508,1509 .TKK 183.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents