Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Abril—Ginagabayan Ng Espiritu

    Naliwanagan sa Pamamagitan ng Espiritu Abril 1

    “Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso, upang malaman ninyo kung ano ang pag-asa sa Kanyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng Kanyang pamana sa mga banal.” Efeso 1:18.TKK 100.1

    Nananalangin ang apostol na si Pablo sa Diyos: “Upang ang Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng kaluwalhatian, ay magkaloob sa inyo ng espiritu ng karunungan at ng pahayag sa isang ganap na pagkakilala sa Kanya, yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso, upang malaman ninyo kung ano ang pag-asa sa Kanyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng Kanyang pamana sa mga banal, at kung ano ang di-masukat na kadakilaan ng Kanyang kapangyarihan sa atin na sumasampalataya, ayon sa paggawa ng kapangyarihan ng Kanyang lakas” (Efeso 1:17-19). Ngunit kailangan munang iangkop ang pag-iisip sa likas ng katotohanan na susuriin. Kailangang maliwanagan ang mga mata ng pangunawa, at madala sa pakikipagkasundo sa Diyos, na siyang katotohanan, ang puso at pagiisip.TKK 100.2

    Siyang tumitingin kay Jesus gamit ang mga mata ng pananampalataya ay hindi nakakakita ng kaluwalhatian sa sarili; sapagkat ang kaluwalhatian ng Manunubos ay sinasalamin sa pag-iisip at sa puso. Napapatunayan ang pagtubos sa Kanyang dugo, at ang pagpawi ng kasalanan ay kinikilos ang kanyang puso tungo sa pasasalamat. Dahil inaring-ganap ni Cristo, nauudyukan ang tumatanggap ng katotohanan na gumawa ng buong pagpapasakop sa Diyos, at tinatanggap sa paaralan ni Cristo, upang kanyang matutuhan ang tungkol sa Kanya na maamo at may mapagpakumbabang puso. Ibinubuhos sa kanyang puso ang kaalaman ng pag-ibig ng Diyos. Ibinibulalas niya, O, anong pag-ibig! Anong pagpapakumbaba! Sa pagkamit sa mayayamang pangako ng pananampalataya, siya'y nagiging kabahagi ng banal na likas. Dahil nabuhos ang sarili mula sa kanyang puso, umaagos ang tubig ng buhay papasok, at nagniningning ang kaluwalhatian ng Panginoon. Palaging nakatingin kay Jesus, isinasama ang tao sa banal. Nababago ang mananampalataya sa wangis Niya.TKK 100.3

    “At tayong lahat, na walang talukbong ang mukha, na nakikita ang kaluwalhatian ng Panginoon gaya ng sa isang salamin, ay nababago sa gayunding larawan, mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian, sapagkat ito ay mula sa Panginoon na siyang Espiritu” (2 Corinto 3:18). Nababago ang karakter ng tao tungo sa karakter ng Diyos. Nakikita ng paninging espiritwal ang kaluwalhatiang ito. Ito'y natatabingan, natatabunan sa hiwaga, hanggang sa ibinibigay ng Banal na Espiritu ang pagkaunawa sa kaluluwa.— REVIEW AND HERALD, February 18,1896.TKK 100.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents