Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagiging Mapagpasalamat, Marso 16

    Sa lahat ng bagay ay magpasalamat kayo, sapagkat ito ang kalooban ng Diyos kay Cristo Jesus para sa inyo, 1 Tesaloniea 5:18,TKK 83.1

    Maraming di-kinakailangang pag-aalala, maraming kaguluhan ng isipan sa mga bagay na wala naman nang magagawa. Gusto ng Panginoon na lubusang magtiwala sa Kanya ang Kanyang mga anak. Ang ating Panginoon ay isang makatarungan at matuwid na Diyos. Dapat kilalanin ng Kanyang mga anak ang Kanyang kabutihan at ang Kanyang katarungan sa malalaki at maliliit na bagay sa buhay. Yung mga nag-iingat ng espiritu ng pag-aalala at pagrereklamo ay ayaw kumilala sa gumagabay Niyang kamay. Ang hindi-kinakailangang pag-aalala ay isang kamangmangan; at hinahadlangan tayo nitong tumayo sa isang tunay na kalagayan sa harapan ng Diyos.TKK 83.2

    Kapag dumating ang Banal na Espiritu sa kaluluwa, hindi magkakaroon ng kagustuhang magreklamo at bumulung-bulong dahil hindi natin nakuha ang lahat ng gusto natin; imbes ay magpapasalamat tayo sa Diyos mula sa isang pusong puspos dahil sa mga pagpapalang nasa atin. May malaking pangangailangan para sa higit pang pagkamapagpasalamat sa kalagitnaan ng mga manggagawa natin ngayon; at malibang mapasakanila ang espiritung ito hindi sila mahahanda para sa isang lugar sa kaharian ng langit. May makapangyarihang gawain na dapat gawin para sa bawat isa sa atin. Konti lamang ang nauunawaan natin kung anong gustong gawin ng Diyos sa pamamagitan natin. Dapat nating pagsikapang makita ang lawak ng Kanyang mga plano, at makinabang sa bawat leksyong sinisikap Niyang ituro sa atin.TKK 83.3

    Maraming kalokohan ang nagagawa sa imahinasyon ng sarili nating mga puso't isipan kapag sinisikap nating isagawa ang sarili nating kagustuhan kataliwas ng batas ng kabaitan. Dito marami ang nabibigo. Hindi tayo humuhubog ng ugali ng kabaitan; gusto nating mangyari sa ating sarili ang lahat ng bagay sa isang madaling paraan. Pero ang pinakamahalagang katanungan sa bawat isa sa atin ay hindi dapat kung paano natin maisasagawa ang sarili nating mga panukala laban sa mga panukala ng iba, kundi kung paano tayo magkakaroon ng kapangyarihang mabuhay para kay Cristo araw-araw. Naparito si Cristo sa lupa at ibinigay ang Kanyang buhay upang tayo'y magkaroon ng walang-hanggang kaligtasan. Gusto Niyang palibutan ang bawat isa sa atin ng kapaligiran ng langit, upang makapagbigay tayo sa sanlibutan ng isang halimbawa na magbibigay ng karangalan sa relihiyon ni Cristo.— LOMA LINDA MESSAGES, p. 602.TKK 83.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents