Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Matiyagang Naghihintay ang Espiritu, Enero 30

    “Makinig ka! Ako'y nakatayo sa may pintuan at tumutuktok; kung diringgin ng sinuman ang Aking tinig at buksan ang pinto, Ako'y papasok sa kanya, at kakaing kasalo niya, at siya'y kasalo Ko,” Apoealipsis 3:20.TKK 36.1

    ula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata, kailangan ng lahat na maturuan ng Diyos. Puwede tayong maturuan ng tao na makita nang malinaw ang katotohanan, pero tanging Diyos lamang ang makapagtuturo sa puso na tanggapin ang katotohanan sa ikaliligtas, na ang ibig sabihi'y tanggapin ang mga salita ng walang-hanggang buhay sa mga mabubuti at tapat na puso. Matiyagang naghihintay ang Panginoon na turuan ang bawat laang kaluluwa na gustong maturuan. Ang mali ay wala sa nakalaang Tagapagturo, sa pinakadakilang Guro na nakilala ng sanlibutan, kundi nasa mag-aaral na nagmamatigas sa sarili niyang mga impresyon at ideya, at ayaw isuko ang mga teorya niyang pantao at lumapit nang may pagpapakumbaba para maturuan. Ayaw niyang payagan ang kanyang konsensya at ang kanyang puso na maturuan, madisiplina, at masanay—na matrabaho gaya ng pag-aararo ng magsasaka sa lupa at pagtatayo ng arkitekto sa gusali. “Kayo ang bukid ng Diyos, ang gusali ng Diyos” (1 Corinto 3:9).TKK 36.2

    Bawat isa'y kailangang matrabaho, mahulma, at mahubog ayon sa banal na larawan. Sinasabi ni Cristo sa inyo, mga minamahal kong kaibigan, bata't matanda, ang walang hanggang katotohanan na, “Malibang inyong kainin ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang Kanyang dugo, wala kayong buhay sa inyong sarili” [Kung hindi ninyo tatanggapin ang mga salita ni Cristo bilang inyong gabay, hindi ninyo maihahayag ang Kanyang karunungan o ang Kanyang espiritwal na buhay.] Ang kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking dugo ay may buhay na walang hanggan.... Sapagkat ang Aking laman ay tunay na pagkain, at ang Aking dugo ay tunay na inumin. Ang kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking dugo ay nananatili sa Akin, at Ako'y sa kanya” (Juan 6:53-56). Sabi ni Cristo, “Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay, ang laman ay walang anumang pakinabang. Ang mga salitang sinabi Ko sa inyo ay espiritu at buhay” (talatang 63).TKK 36.3

    Yung mga nagsasaliksik ng Kasulatan, at buong katapatang sinisikap na maunawaan ito, ay ihahayag ang pagpapabanal ng Espiritu sa pamamagitan ng paniniwala sa katotohanan, dahil tinatanggap nila sa mismong puso nila ang katotohanan, at taglay ang pananampalatayang iyon na gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig at dumadalisay sa kaluluwa. Ang lahat nilang espiritwal na litid at kalamnan ay pinapalusog ng Tinapay ng Buhay na kanilang kinakain.— MANUSCRIPT RELEASES, vol. 8, pp. 162,163.TKK 36.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents