Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Kasalanan Laban sa Espiritu, Enero 27

    “Kaya't sinasabi Ko sa inyo, ang bawat kasalanan at paglapastangan ay ipatatawad sa mga tao; ngunit ang paglapastangan laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad,” Mateo 12:31.TKK 33.1

    Sasabihin ko ang mga linyang ito doon sa mga nagkaroon ng liwanag, sa mga nagkaroon ng mga pribilehiyo, sa mga nasabihan ng mga babala at pagsusumamo, na hindi gumawa ng disididong pagsisikap na ipasakop ang kanilang sarili sa lubusang pagsuko sa Diyos. Gusto kong balaan kayo na matakot na baka magkasala kayo laban sa Banal na Espiritu, at bayaan sa sarili n'yong landasin, lubog sa moral na katamlayan, at hindi nagtamo ng kapatawaran. Bakit niño hahayaan ang inyong sarili na tinuturuan nang mas matagal pa sa paaralan ni Satanas, at tinatahak ang isang pagkilos na gagawing imposible ang pagsisisi at repormasyon? Bakit ninyo lalabanan ang mga alok ng kahabagan? Bakit ninyo sasabihing, “Pabayaan mo ako,” hanggang sa mapilitan ang Diyos na ibigay sa inyo ang ninanasa n'yo, dahil ito ang gusto n'yo?TKK 33.2

    Iniisip nung mga lumalaban sa Espiritu ng Diyos na magsisisi na lamang sila balang araw sa hinaharap, kapag handa na silang gumawa ng disididong hakbang tungo sa repormasyon; pero sa panahong iyon ay hindi na nila kayang magsisi. Ayon sa ibinigay na liwanag at mga pribilehiyo ang kadiliman nung mga ayaw lumakad sa liwanag habang nasa kanila pa ang liwanag.TKK 33.3

    Wala sinumang kailangang magturing na mahiwaga at hindi maipapaliwanag ang kasalanan laban sa Banal na Espiritu. Ang kasalanan laban sa Banal na Espiritu ay ang kasalanan ng tuluy-tuloy na pagtangging tumugon sa paanyayang magsisi. Kung tatanggi kang maniwala kay Jesu-Cristo bilang personal mong Tagapagligtas, mas mahal mo ang kadiliman kaysa sa liwanag, mas gusto mo ang kapaligirang nakapalibot sa unang tanyag na tumalikod. Pinipili mo ang kapaligirang ito kaysa sa kapaligirang nakapalibot sa Ama at sa Anak, at babayaan ka ng Diyos sa iyong pinipili. Pero huwag panghinaan ng loob ang sinuman sa paglalahad na ito ng mga bagay-bagay. Huwag malungkot ang sinumang nagsisikap na gawin ang kalooban ng Panginoon. Umasa kayo sa Diyos. Ipinakita na ng Panginoong Jesus na walang-hanggang kahalagahan ang turing Niya sa iyo. Iniwan Niya ang trono Niya bilang hari, iniwan Niya ang makahari Niyang bulwagan, tinakpan Niya ng pagiging tao ang Kanyang pagka-Diyos, at namatay ng isang nakahihiyang kamatayan sa krus ng Kalbaryo, para lang mailigtas ka.—REVIEW AND HERALD, June 29,1897.TKK 33.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents