Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pebrero—Binago ng Espiritu

    Ipinanganak na Muli, Pebrero 1

    Sumagot sa kanya si Jesus, “Katotohanang sinasabi Ko sa iyo, Malibang ang isang tao'y ipanganak na muli ay hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos,” Juan 3:3,TKK 39.1

    Dumating nawa ang kaharian Mo. Masunod nawa ang kalooban Mo, kung paano sa langit, gayundin naman sa lupa” (Mateo 6:10). Ang buong buhay ni Cristo dito sa lupa ay nakalaan sa layuning ipahayag ang kalooban ng Diyos sa lupa na gaya rin naman sa langit. Ang sabi ni Cristo, “Malibang ang isang tao'y ipanganak na muli ay hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos.... Malibang ang isang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos. Ang ipinanganak ng laman ay laman nga at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu” (Juan 3:3-6).TKK 39.2

    Hindi kinikilala ni Cristo na kailangan ang anumang kalagayan sa lipunan, kulay, o ranggo para maging sakop ng Kanyang kaharian. Hindi nakasalalay ang pagtanggap sa Kanyang kaharian sa kayamanan o sa mas nakaaangat na lahi. Pero silang ipinanganak ng Espiritu ang mga kaanib ng Kanyang kaharian. Espiritwal na karakter ang siyang kikilalanin ni Cristo. Ang Kanyang kaharian ay hindi sa sanlibutang ito. Ang mga sakop Niya ay yung mga kabahagi ng banal na likas, na nakatakas sa kabulukang nasa sanlibutan dahil sa masamang pagnanasa (2 Pedro 1:4). At ang biyayang ito'y bigay sa kanila ng Diyos.TKK 39.3

    Hindi nakikita ni Cristo na angkop ang Kanyang mga sakop sa Kanyang kaharian, ngunit ginagawa Niya silang angkop sa pamamagitan ng Kanyang banal na kapangyarihan. Yung mga dati'y patay sa pagsalangsang at kasalanan ay binubuhay sa espiritwal na buhay. Ang mga kakayahang ibinigay sa kanila ng Diyos para sa mga banal na layunin ay nililinis, dinadalisay, at pinararangal, at sila'y naaakay na bumuo ng mga karakter na ayon sa larawan ng Diyos. Bagama't dati'y mali ang pagkakagamit nila sa kanilang mga talento at ipinaglingkod sa kasalanan; bagama't si Cristo sa kanila ay naging isang Batong nagpapatisod sa kanila, at malaking Bato na nagpabagsak sa kanila, dahil sila'y nadapa sa Salita palibhasa'y masusuwayin, gayunma'y sa paghila ng Kanyang pag-ibig sila'y nadala sa wakas sa landas ng tungkulin. Sabi ni Cristo, “Ako'y pumarito upang sila'y magkaroon ng buhay, at magkaroon nito nang may kasaganaan” (Juan 10:10).TKK 39.4

    Pinalalapit sila ni Cristo sa Kanyang sarili sa pamamagitan ng isang kapangyarihang hindi nakikita. Siya ang Ilaw ng buhay, at nililipos Niya sila ng sarili Niyang Espiritu. Habang napapalapit sila sa espiritwal na kapaligiran, nakikita nilang sila'y naging laruan ng mga tukso ni Satanas, at sila'y napasailalim ng kanyang paghahari; pero kumakawala sila sa pamatok ng mga pagnanasa ng laman, at tumatangging maging mga alipin ng kasalanan. Nagsisikap si Satanas na pigilan sila. Inaatake niya sila ng sari-saring mga tukso; ngunit gumagawa ang Espiritu para panibaguhin sila ayon sa larawan Niya na lumalang sa kanila (Colosas 3:10).— REVIEW AND HERALD, March 26,1895 .TKK 39.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents