Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kawanggawa, Marso 14

    “Hindi ba ito ang ayuno na Aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na kalasin ang mga panali ng pamatok, na palayain ang naaapi, at baliin ang bawat pamatok? Hindi ba ito ay upang ibahagi ang iyong tinapay sa nagugutom, at dalhin sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan? Kapag nakakita ka ng hubad, iyong bihisan; at huwag kang magkubli sa iyong sariling laman?” Isaias 58:6, 7.TKK 81.1

    Ang katotohanan, ang mahalagang katotohanan, ay nagpapabanal sa impluwensya nito. Ang pagpapabanal sa kaluluwa sa pamamagitan ng pagkilos ng Banal na Espiritu ay ang pagtatanim ng likas ni Cristo sa tao. Ito'y ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo na nakikita sa karakter, at ang biyaya ni Cristo na nadala sa aktibong pagsasabuhay ng mabubuting gawa. Sa gayo'y lalong nababago ang karakter ayon sa larawan ni Cristo sa katuwiran at sa tunay na kabanalan.TKK 81.2

    May malalawak na ipinagagawa ang banal na katotohanang nakaaabot sa iba't ibang linya ng mabubuting gawa. Ang mga katotohanan ng ebanghelyo ay hindi hiwa-hiwalay; sa pagkakaisa ay bumubuo sila ng isang tali ng dugtung-dugtong na mga makalangit na hiyas, kagaya ng personal na paggawa ni Cristo, at tulad ng mga gintong sinulid, sila'y lumalagos sa buong gawain at karanasang Kristiyano.— SELECTED MESSAGES, vol. 3, p. 198.TKK 81.3

    Anumang pagpapabaya ng mga nagsasabing tagasunod ni Cristo, isang kabiguang ibsan ang mga pangangailangan ng isang kapatirang nagpapasan ng pamatok ng kahirapan at panggigipit, ay itinatala sa mga aklat sa langit bilang pagturing kay Cristo sa katauhan ng Kanyang mga banal. Anong laking pagtutuos ang gagawin ng Panginoon sa marami, sa napakarami, na naglalahad ng mga salita ni Cristo sa iba subalit nabibigong magpakita ng mapagmahal na pakikiramay at pakikitungo sa isang kapatid sa pananampalataya na hindi kasimpalad at kasintagumpay nila.— WELFARE MINISTRY, p. 210.TKK 81.4

    Marami ang hahayaang magdusa ang isang kapatid sa ilalim ng dimagagandang kalagayan nang hindi tinutulungan, at sa paggawa nito'y ibinibigay nila sa isang mahalagang kaluluwa ang impresyon na gayon ang larawan ni Cristo. Hindi ganyan; si Jesus, na mayaman, ay naging mahirap alang-alang sa atin, upang tayo'y maging mayaman sa pamamagitan ng kanyang kahirapan. Para mailigtas Niya ang makasalanan, hindi Niya ipinagkait ang sarili Niyang buhay. Ang puso ni Cristo ay palaging naaantig ng kasawian ng tao.— THE ELLEN G. WHITE 1888 MATERIALS, p. 1,270.TKK 81.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents