Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nasusupil ang Galit, Pebrero 15

    Sino ang marunong at maunawain sa inyo? Ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay ang kanyang mga gawa sa kaamuan ng karunungan, Santiago 3:13,TKK 53.1

    Isa sa mga litaw na bunga ng Espiritu ang kaamuan sa paaralan ni Cristo. Isa itong biyayang dulot ng Banal na Espiritu bilang tagapagpabanal, at binibigyang-lakas ang may-taglay nito na pigilan ang padalus-dalos at marahas na ugali sa lahat ng oras. Kapag iniingatan ang biyaya ng kaamuan nung mga likas na sumpungin o pabigla-bigla ang ugali, gagawa sila ng pinakamasigasig na mga pagsisikap para supilin ang dimasaya nilang pag-uugali. Sa bawat araw ay makakamit nila ang pagpipigil sa sarili, hanggang sa magapi kung anong hindi kanais-nais at hindi katulad ni Jesus. Nalalakip sila sa banal na Tularan, hanggang sa nasusunod na nila ang kinasihang tagubilin, “Maging mabilis sa pakikinig, marahan sa pagsasalita, mabagal sa pagkagalit” (Santiago 1:19).TKK 53.2

    Kapag sinasabi ng isang tao na siya'y napabanal, pero sa mga salita at gawa naman ay mailalarawan ng isang maruming bukal na naglalabas ng mapait nitong tubig, ligtas nating masasabi na ang taong iyan ay nadaya. Kailangan niyang matutuhan ang pinaka-alpabeto ng kung ano ang bumubuo sa buhay ng isang Kristiyano. May mga nagsasabing lingkod ni Cristo ang napakatagal nang iniingat-ingatan ang demonyo ng kasungitan anupa't parang mahal na nga nila ang di-banal na elementong iyan, at natutuwa nang magsalita ng mga nakaiinis at nakaiirita. Kailangang mahikayat ang mga taong ito, bago sila kilalanin ni Cristo bilang Kanyang mga anak.TKK 53.3

    Ang kaamuan ay panloob na kagayakan na itinuturing ng Diyos na napakalaki ng halaga. Sinasabi ng apostol na ito'y mas mahusay at mas mahalaga pa kaysa ginto, o mga perlas, o mamahaling kasuotan. Samantalang ang mortal na katawan lamang ang pinapaganda ng panlabas na kagayakan, ang pinapaganda ng palamuti ng kaamuan ay ang kaluluwa, at iniuugnay ang may-hangganang tao sa walang-hangganang Diyos. Ito ang palamuting pinipili mismo ng Diyos. Siyang nagpalamuti sa kalangitan ng mga bilog ng liwanag ay nangako sa pamamagitan ng Espiritu ring iyon na Kanyang “pagagandahin ng kaligtasan ang mga maaamo” (Awit 149:4). Ililista ng mga anghel sa langit na may pinakamagandang gayak yung mga nagsusuot sa Panginoong Jesu-Cristo, at lumalakad kasama Niya sa kaamuan at kapakumbabaan ng isipan.— REVIEW AND HERALD, January 18,1881.TKK 53.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents