Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Isinasantabi ang Sarili, Oktubre 8

    Gayunman ang mga bagay na sa akin ay naging pakinabang, ay inari kong kalugihan, alang-alang kay Cristo, Filipos 3:7,TKK 296.1

    Sa pamamagitan ng iglesya ang mapagsakripisyong pag-ibig ni Jesus ay dapat maihayag sa mundo; ngunit sa pamamagitan ng kasalukuyang halimbawa ng iglesya, maling nailarawan ang karakter ni Cristo, at isang huwad na pagkaunawa sa Kanya ang naibigay sa mundo. Isinasantabi ng pag-ibig sa sarili ang pag-ibig ni Jesus mula sa kaluluwa, at ito ang dahilan kung bakit wala sa iglesya ang higit na kasigasigan at mas maalab na pag-ibig para sa Kanya na unang umibig sa atin. Ang sarili ang pinakadakila sa napakaraming puso. Ang kanilang mga pag-iisip, ang kanilang oras, ang kanilang pera, ay inihandog sa pagbibigay-kasiyahan sa sarili, habang napapahamak ang mga kaluluwang kinamatayan ni Cristo.TKK 296.2

    Ito ang dahilan kung bakit hindi maibigay ng Panginoon sa Kanyang iglesya ang kabuuan ng Kanyang pagpapala. Ang parangalan sila sa isang natatanging paraan sa harapan ng mundo ay magiging ang paglalagay ng Kanyang tatak sa kanilang mga gawa, na magpapatunay sa kanilang maling representasyonTKK 296.3

    ng Kanyang karakter. Kapag lalabas mula sa mundo ang iglesya, at hihiwalay mula sa kanyang mga kawikaan, mga kaugalian, at mga nakagawian, gagawa ang Panginoong Jesus kasama ang Kanyang bayan; ibubuhos Niya ang isang malaking bahagi ng Kanyang Espiritu sa kanila, at malalaman ng mundo na mahal sila ng Ama. Magpapatuloy ba ang bayan ng Diyos na maging manhid dahil sa pagkamakasarili? Ang Kanyang mga pagpapala ay handang ibigay sa kanila, ngunit hindi ito maaaring ipagkaloob sa kabuuan nito dahil masyado silang nadungisan ng espiritu at mga gawain ng mundo. Mayroong espiritwal na pagmamataas sa kalagitnaan nila; at kung kikilos ang Panginoon ayon sa nais ng Kanyang puso, magpapatunay ito ng kanilang sariling pagpapahalaga at pagmamataas sa sarili.TKK 296.4

    Dapat bang magpatuloy ang ating bayan sa maling pagpapakilala kay Cristo? Dapat bang ang biyaya ng Diyos, ang banal na kaliwanagan, ay mailayo sa Kanyang iglesya, dahil sa kanilang pagiging maligamgam? Ito ang mangyayari, maliban kung mayroong lubos na masusing paghahanap sa Diyos, pagtalikod sa mundo, at pagpapakumbaba ng kaluluwa sa harap ng Diyos. Dapat dumaan sa ating mga iglesya ang nagbabagong kapangyarihan ng Diyos.— THE HOME MISSIONARY, November 1,1890.TKK 296.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents