Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Napako sa Krus ang Sarili, Pebrero 12

    Ako'y ipinakong kasama ni Cristo at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin, at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos na sa akin ay nagmahal, at nagbigay ng Kanyang sarili dahil sa akin, Galaeia 2:20,TKK 50.1

    Tapatan at seryoso dapat nating pag-isipan ang tanong na, “Ibinaba na ba natin ang ating sarili sa harapan ng Diyos, upang makagawa ang Banal na Espiritu sa pamamagitan natin taglay ang bumabagong kapangyarihan?” Bilang mga anak ng Diyos, pribilehiyo natin ang trabahuin ng Kanyang Espiritu. Kapag naipako sa krus ang sarili, kinukuha ng Banal na Espiritu ang mga taong bagbag ang puso, at ginagawa silang mga sisidlan sa ikararangal. Sa Kanyang mga kamay sila'y gaya ng putik sa mga kamay ng magpapalayok.TKK 50.2

    Ang ganyang mga lalaki't babae ay gagawin ni Jesu-Cristo na nakahihigit sa kapangyarihang mental, pisikal, at moral. Bibigyan sila ng solidong karakter ng mga biyaya ng Espiritu. Maglalabas sila ng impluwensya para sa ikabubuti dahil nakatira si Cristo sa kaluluwa.TKK 50.3

    Malibang dumating sa ating mga iglesya ang humihikayat na kapangyarihang ito, malibang dumating ang rebaybal ng Espiritu ng Diyos, ang mga kaanib ng iglesya ay hindi gagawing Kristiyano ng lahat nilang sinasabi. May mga makasalanan sa Zion na kailangang magsisi sa mga kasalanang iningat- ingatan na para bang mahahalagang kayamanan. Hangga't hindi nakikita ang mga kasalanang ito, at inaalis sa kaluluwa, hangga't hindi nababago ng impluwensya ng Espiritu ang bawat mali at di-magandang katangian ng karakter, hindi makapangyarihang maihahayag ng Diyos ang Kanyang sarili. Mas may pag-asa pa ang hayagang makasalanan kaysa sa nagsasabing matuwid samantalang hindi naman malinis, banal, at walang-bahid TKK 50.4

    Sino ang handang ipakontrol ang kanyang sarili? Sino ang handang galawin ang mga iniingatan niyang diyus-diyosan ng kasalanan, at payagan si Cristong linisin ang templo sa pamamagitan ng pagpapalayas sa mga bumibili at nagbebenta? Sino ang nakahandang payagan si Jesus na pumasok sa kaluluwa at linisin ito mula sa lahat ng nakababahid at nakarurumi? Ang pamantayan ay “Kayo nga'y maging sakdal, gaya ng inyong Ama sa langit na sakdal” (Mateo 5:48). Nananawagan ang Diyos sa bawat lalaki at babae na alisan ang kanilang mga puso ng pagkamakasarili. Sa gayo'y makapapasok ang Kanyang Espiritu nang walang harang. Tumigil na kayo sa pagsisikap na gawing mag-isa ang gawain. Hilingan ninyo ang Diyos na gumawa sa inyo at sa pamamagitan ninyo hanggang sa magkatotoo sa inyo ang mga sinabi ng apostol na, “Hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin.”— MANUSCRIPT RELEASES, vol. 1, pp. 366, 367 .TKK 50.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents