Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nobyembre—Puspos Ng Espiritu

    Rebaybal Noong Pentecostes, Nobyembre 1

    Sa pamamagitan ng mga apostol ay ginawa ang maraming tanda at kababalaghan sa gitna ng mga tao, Naroon silang lahat na nagkakaisa sa portiko ni Solomon, Mga Gawa 5:12,TKK 321.1

    Naghanda si Cristo ng panustos upang maging isang nabagong katawan ang Kanyang iglesya, na niliwanagan ng ilaw ng kalangitan, nagtataglay ng kaluwalhatian ni Emmanuel. Kanyang layunin na mapalibutan ang bawat Kristiyano ng espiritwal na kapaligiran ng liwanag at kapayapaan. Walang hangganan ang kapakinabangan sa isa na, habang isinasantabi ang sarili, nagbibigay ng bahagi sa paggawa ng Banal na Espiritu sa puso, at namumuhay ng isang buhay na lubos na napasasakop sa Panginoon.TKK 321.2

    Ano ang naging resulta ng pagbuhos ng Espiritu noong araw ng Pentecostes? Ang mabuting balita ng nabuhay na Tagapagligtas ay dinala sa pinakadulong bahagi ng tinatahanang sanlibutan. Ang puso ng mga alagad ay nadagdagan ng saganang kabaitan, na napakalalim, at malayong abot, na nagtulak sa kanilang humayo hanggang sa wakas ng lupa, na nagpapatotoo “Subalit huwag nawang mangyari sa akin ang magmalaki, maliban sa krus ng ating Panginoong Jesu-Cristo” (Galacia 6:14). Habang kanilang ipinahahayag ang katotohanan sa kung ano ito kay Jesus, napasakop sa mensahe ang mga puso. Nakita ng iglesya ang mga nabago na lumalapit sa kanya mula sa iba't ibang direksyon. Muling nabago ang mga tumalikod. Nakipagkaisa ang mga makasalan sa mga Kristiyano sa paghahanap ng mamahaling Perlas.TKK 321.3

    Yaong mga pinakamahigpit na kaaway ng ebanghelyo ay naging kampeon nito. Natupad ang hula, na magiging “gaya ni David”ang mahihina, at “gaya ng anghel ng Panginoon”ang bahay ni David. Nakita ng bawat Kristiyano sa kanyang kapatid ang banal na wangis ng pag-ibig at kabaitan. Isang nais ang nangingibabaw. Isang paksa ng pagtulad ang bumalot sa lahat ng iba pa. Ang tanging ambisyon ng mga mananampalataya ay ang ihayag ang wangis ng karakter ni Cristo at ang gumawa sa pagpapalawak ng Kanyang kaharian.TKK 321.4

    Pansinin na ito ay nang ang mga alagad ay dumating sa lubos na pagkakaisa, na hindi na sila nagsisikap para sa pinakamataas na posisyon, na ibinuhos ang Espiritu. Nagkaisa sila. Inalis ang lahat ng pagkakaiba. At pareho ang patotoong dinadala nila matapos na ipagkaloob ang Espiritu.— REVIEW AND HERALD, April 30, 1908 .TKK 321.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents