Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Mang-aaliw, Enero 2

    “Subalit kapag dumating na ang Espiritu ng katotohanan, papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan. Sapagkat hindi Siya magsasalita nang mula sa Kanyang sarili, kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, iyon ang Kanyang sasabihin at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na darating Juan 16:13.TKK 8.1

    Paano tayong tatayo sa araw ng pagsubok kung hindi natin nauunawaan ang sinabi ni Cristo? Sabi Niya: “Ang mga bagay na ito'y sinabi Ko sa inyo, samantalang Ako'y nananatiling kasama pa ninyo. Subalit ang Mang-aaliw, ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa Aking pangalan, Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalala sa inyo ng lahat ng Aking sinabi sa inyo” (Juan 14:25, 26). Ang Banal na Espiritu ang magpapaalala sa atin ng mga sinabi ni Cristo. Ang temang pinili ni Cristong talakayin sa huli Niyang pagtuturo sa Kanyang mga alagad ay ang tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu. Binuksan Niya sa kanila ang isang malawak na sukat ng katotohanan. Dapat nilang tanggapin ang Kanyang mga salita sa pamamagitan ng pananampalataya, at ipapaalala sa kanila ng Mang-aaliw, ng Banal na Espiritu, ang lahat ng bagay.TKK 8.2

    Ang kaaliwang ibinigay ni Cristo sa pangakong ito ay makikita sa katotohanan na ang banal na impluwensiya ay mapapasa-Kanyang mga tagasunod hanggang sa wakas. Pero hindi tinatanggap at pinapaniwalaan ng mga tao ngayon ang pangakong ito, kaya't hindi nila ito pinahahalagahan, ni makikita man ang katuparan nito sa karanasan ng iglesya. Ang pangakong regalong Espiritu ng Diyos ay binabayaan bilang isang bagay na hindi na raw dapat masyadong isaalang-alang pa ng iglesya. Hindi ito idinidiin sa mga tao, at ang resulta ay yun na lamang ngang maaasahan—espiritwal na tagtuyot, kadilimang espiritwal, panghihina at kamatayang espiritwal. Maliliit na bagay ang pumupuno sa isipan at kaluluwa, ngunit ang banal na kapangyarihan na kailangan para sa paglago at tagumpay ng iglesya, na magdadala ng lahat ng iba pang pagpapala kung tataglayin, ay nagkukulang, bagama't ibinibigay ito sa atin sa walang-hanggang kasaganaan. Hangga't nasisiyahan na ang iglesya sa maliliit na bagay, hindi sila karapat-dapat tumanggap ng mga malalaking bagay mula sa Diyos. Pero bakit hindi tayo nagugutom at nauuhaw para sa regalong Banal na Espiritu, yamang ito ang pamamaraan para mapanatiling malinis ang puso? Panukala ng Panginoon na makipagtulungan ang banal na kapangyarihan sa pagsisikap ng tao.TKK 8.3

    Napakahalagang maunawaan ng Kristiyano ang kahulugan ng pangakong Banal na Espiritu bago dumating ang ating Panginoon sa ikalawang pagkakataon. Pag-usapan ito, hingin ito sa panalangin, mangaral tungkol dito; sapagkat mas laan pa ngang ibigay ng Panginoon ang Banal na Espiritu kaysa sa pagbibigay ng mga magulang ng mabubuting regalo sa kanilang mga anak.—REVIEW AND HERALD, November 15,1892.TKK 8.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents