Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Inaalis ang Bawat Hadlang, Oktubre 19

    Mga kapatid, ngayon ay nananawagan ako sa inyo sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kayong lahat ay magsalita ng isang bagay lamang, at huwag magkaroon sa inyo ng mga pagkakabaha-bahagi, kundi kayo'y magkaisa sa isang pag-iisip at layunin lamang, 1 Corinto 1:10,TKK 307.1

    Para sa pagbubuhos ng Espiritu ang bawat umiibig sa kapakanan ng katotohanan ay dapat manalangin. At hangga't nasa ating kapangyarihan, dapat nating alisin ang bawat hadlang sa Kanyang paggawa. Hindi kailanman maibubuhos ang Espiritu habang ang pagkakaiba-iba at kapaitan sa isa't isa ay itinatanggi ng mga miyembro ng iglesya. Ang inggit, paninibugho, masamang pagaakala, at masamang pananalita ay kay Satanas, at ang mga ito ay epektibong humahadlang sa gawain ng Banal na Espiritu.TKK 307.2

    Wala nang iba pa sa mundong ito ang pinakamamahal ng Diyos na gaya ng sa Kanyang iglesya. Walang kahit na anong bagay ang pinapangalagaan Niya nang may gayong mapanibughong pag-iingat. Walang labis na nakapananakit sa Diyos gaya ng isang gawaing sumisira sa impluwensiya ng mga gumagawa ng Kanyang paglilingkod. Kanyang pananagutin ang lahat ng mga tumulong kay Satanas sa kanyang gawain ng pamumuna at pagpapahina ng loob.TKK 307.3

    Yaong mga salat sa simpatiya, kagiliwan, at pag-ibig ay hindi magagawa ang gawain ni Cristo. Bago matupad ang hula, ang mahina ay magiging “gaya ni David,” at ang sambahayan ni David “parang anghel ng PANGIiNOON” (Zacarias 12:8), ang mga anak ng Diyos ay dapat na alisin ang bawat isip ng paghihinala tungkol sa kanilang mga kapatid. Ang puso ay dapat tumibok kasabay ng puso. Ang Cristianong kabutihan at pag-ibig sa kapatid ay dapat higit na saganang ipakita. Tumutunog sa aking mga tainga ang mga salitang: “Sama-samang magsilapit, sama-samang magsilapit.” Ang taimtim at banal na katotohanan sa panahong ito ay pag-iisahin ang bayan ng Diyos. Dapat mamatay ang pagnanais para sa kadakilaan. Kailangang lamunin ng isang paksa ng pagtutulad ang lahat ng iba pa—sino ang magiging pinakamalapit na kahalintulad ni Cristo sa karakter? Sino ang higit na lubos na itatago ang sarili kay Jesus?TKK 307.4

    “Sa pamamagitan nito'y naluluwalhati ang aking Ama,” sabi ng Cristo, “na kayo'y magbunga ng marami” (Juan 15:8). Kung mayroon mang isang lugar kung saan dapat labis na magbunga ang mga mananampalataya, ito ay sa ating mga pagpupulong. Sa mga pagpupulong na ito, ang ating mga kilos, ating mga salita, ating espiritu, ay natatandaan, at ang ating impluwensiya ay kasing- lawak ng walang hanggan.— TESTIMONIES fOR THE CHURCH, vol. 6, p. 42 .TKK 307.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents