Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Isang Espiritwal na Rebolusyon, Nobyembre 19

    Higit pa roon, ang lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan dahil sa higit na kahalagahan na makilala si Cristo Jesus na Panginoon ko. Alang-alang sa kanya'y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong basura lamang, upang makamit ko si Cristo. Filipos 3:8.TKK 339.1

    Sa pamamagitan ni Cristo, naibibigay sa tao ang espiritwal na kapangyarihang magbabago ng buong damdamin, at magpapalakas sa taong gumawa na may matatag na kaisipan para sa gawain ng Diyos. Kung saan ang lahat ng kapangyarihan ng kaisipan at katawan na dati ay nakatuon sa paggawa ng mga gawaing masama, nagaganap ang rebolusyon sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos. Ang Banal na Espiritu ay nagbibigay liwanag, nagpapanauli, at nagpapabanal sa kaluluwa. Nakatingin ang mga anghel taglay ang hindi maipahayag na damdamin sa resulta ng mga paggawa ng Banal na Espiritu sa tao.TKK 339.2

    Sa pamamagitan ng pahayag ng kaakit-akit na pagiging kaibig-ibig ni Cristo, sa pamamagitan ng karunungan ng Kanyang pag-ibig na ipinakita sa atin habang tayo ay makasalanan pa, natunaw at nasakop ang matigas na puso, at nabago ang makasalanan at naging mga anak ng Diyos. Pag- ibig ang ahensiyang ginagamit ng Diyos para alisin ang kasalanan mula sa kaluluwa ng tao. Sa pamamagitan nito ay binago ang pagmamataas tungo sa kapakumbabaan, ang pakikipag-away at kawalang paniniwala tungo sa pag-ibig at pananampalataya. Hindi Siya gumagamit ng paraang namimilit; si Jesus ay inihahayag sa mga kaluluwa, at kung ang tao ay titinging may pananamplataya sa kordero ng Diyos, mabubuhay siya. . . .TKK 339.3

    Ipinakita si Cristo sa mga tao upang mapansin nila ang Kanyang ugali, ang Kanyang kasakdalan, at kung paanong ang halimbawa ay kumpleto at sakdal sa bawat bahagi, gayundin, habang umaayon ang kaluluwa sa larawan ni Cristo, siya'y ginagawang sakdal sa Kanya; sapagkat bukod kay Cristo ay hindi kailanman magkakaroon ng katuwiran sa puso ng tao.TKK 339.4

    Kapag ibinuhos mula sa itaas ang Espiritu, binabaha ng liwanag ang iglesya, ngunit si Cristo ang liwanag na iyon; napupuno ng tuwa ang iglesya, ngunit si Cristo ang sentro ng katuwaang iyon. Kapag ibinuhos sa Kanyang bayan ang Espiritu sa araw na ito, ang pangalan ni Cristo ang sasalitain ng bawat dila, ang Kanyang pag-ibig ang pupuno sa bawat kaluluwa, at kapag niyakap ng puso si Jesus, yayakapin nito ang Diyos; sapagkat nananahan kay Cristo ang kapuspusan ng Diyos. Kapag lumiwanag sa kaluluwa ang sinag ng katuwiran ni Cristo, ang kaligayahan, pagsamba, at ang kaluwalhatian ay magiging bahagi ng karanasan.— SIGNS OF THE TIMES, June 9,1980 .TKK 339.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents