Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ngayon na ang Panahon Para sa Pagsisisi, Enero 29

    Yamang gumagawa kaming kasama Niya, nananawagan din kami sa inyo na huwag ninyong tanggapin ang biyaya ng Diyos nang walang kabuluhan, Sapagkat sinasabi Niya, “Sa panahong kanais-nais ay pinakinggan kita, at tinulungan kita sa araw ng kaligtasan,” Ngayon na ang panahong kanais-nais; ngayon na ang araw ng kaligtasan, 2 Corinto 6:1,2,TKK 35.1

    Kapatid na P, itinatanong mo kung nagawa mo na ang kasalanang walang kapatawaran sa buhay na ito o sa buhay na darating. Ang sagot ko: Hindi ko nakikita ang pinakamaliit na katibayan na ganito nga ang nangyari. Ano ba ang bumubuo sa kasalanan laban sa Banal na Espiritu? Ito'y buong katigasang pag-uukol kay Satanas ng gawain ng Banal na Espiritu. Halimbawa, ipalagay nang nasaksihan ng isang tao ang espesyal na paggawa ng Espiritu ng Diyos.TKK 35.2

    Mayroon siyang nakakukumbinsing katibayang ang paggawa ay kaayon ng Kasulatan, magkasamang sumasaksi ang Espiritu at ang kanyang espíritu na ito'y mula sa Diyos. Pagkatapos nito, gayunman, ay nahulog siya sa tukso; pagmamataas, pagtitiwala sa sarili, o iba pang masasamang ugali na kumukontrol sa kanya; at sa pagtanggi sa lahat ng katibayan ng banal na likas nito, sinasabi niya ngayon na yung dating kinikilala niyang kapangyarihan ng Banal na Espiritu ay kapangyarihan daw ni Satanas. Gumagawa ang Diyos sa puso ng tao sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu; at kapag sadyang tinatanggihan ng mga tao ang Espiritu at sinasabing ito'y galing kay Satanas, pinuputol nila ang daluyan na sa pamamagitan nito'y kayang makipag-usap ng Diyos sa kanila. Sa pamamagitan ng pagtanggi sa katibayang ikinalugod ng Diyos na ibigay sa kanila, sinasarhan nila ang liwanag na sumisilay sa kanilang mga puso, at bilang bunga nito'y maiiwan sila sa kadiliman. Sa gayo'y napapatunayan ang mga sinabi ni Cristo: “Kaya't kung ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman, anong laki ng kadiliman!” (Mateo 6:23). Sa ilang panahon, ang mga taong gumagawa ng ganitong pagkakasala ay para ngang mga anak ng Diyos; pero kapag bumangon ang mga kalagayang huhubog sa karakter at magpapakita kung kaninong espiritu sila, matutuklasang nasa bakuran sila ng kaaway, nakatayo sa ilalim ng maitim niyang bandila.TKK 35.3

    Kapatid ko, inaanyayahan ka ng Espiritu ngayon. Lumapit ka kay Jesus taglay ang buong puso mo. Magsisi ka sa iyong mga kasalanan, mangumpisal ka sa Diyos, talikuran mo ang lahat ng kasamaan, at maaari mong angkinin sa iyong sarili ang lahat Niyang pangako. Ang mabiyaya Niyang paanyaya ay, “Kayo'y bumaling sa Akin, at kayo'y maliligtas” (Isaias 45:22).— TESTIMONIES FOR THE CHURCH, vol. 5, p. 634.TKK 35.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents