Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Isinuko ang Sarili, Oktubre 17

    “Ipinapayo ko sa iyo na bumili ka sa akin ng gintong dinalisay ng apoy upang ikaw ay yumaman, at ng mapuputing damit upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran, at ng pampahid na ilalagay sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita” Apoealipsis 3:18.TKK 305.1

    Dapat magkaroon sa mga iglesya ng isang kahanga-hangang pagpapahayag ng kapangyarihan ng Diyos, ngunit hindi ito kikilos sa mga hindi nagpakumbaba ng kanilang sarili sa harapan ng Panginoon, at binuksan ang pintuan ng puso sa pamamagitan ng pagtatapat at pagsisisi. Sa pagpapahayag ng kapangyarihang iyon na nililiwanagan ang lupa ng kaluwalhatian ng Diyos, makikita lamang nila ang isang bagay na sa kanilang pagkabulag ay iniisip nilang mapanganib, isang bagay na pupukaw sa kanilang mga takot, at ihahanda nila ang kanilang mga sarili na labanan ito. Dahil ang Panginoon ay hindi gumagawa nang ayon sa kanilang mga ideya at mga inaasahan, sasalungat sila sa gawain. “Bakit,” sinasabi nila, “hindi ba namin makikila ang Espiritu ng Diyos, gayong napakaraming taon na kaming nasa gawain?” Dahil hindi sila tumugon sa mga babala, sa mga pagsusumamo ng mga mensahe ng Diyos, sa halip ay patuloy na nagsasabi, “Ako'y mayaman, at naging mariwasa at hindi ako nangangailangan ng anuman” (Apocalipsis 3:17).TKK 305.2

    Ang talento at mahabang karanasan ay hindi gagawin ang tao bilang mga daluyan ng liwanag, maliban kung ilalagay nila ang kanilang mga sarili sa ilalim ng maliwanag na sinag ng Araw ng katuwiran, at tinawag, at pinili, at inihanda sa pamamagitan ng pagkakaloob ng Banal na Espiritu. Kapag ang mga taong humahawak ng mga sagradong bagay ay magpapakumbaba ng kanilang sarili sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Diyos, itataas sila ng Panginoon. Gagawin Niya silang mga taong may pang-unawa—mga taong mayaman sa biyaya ng Kanyang Espiritu. Ang kanilang malakas at makasariling katangian ng karakter, ang kanilang katigasan ng ulo, ay makikita sa liwanag na nagniningning mula sa Liwanag ng mundo. “Darating ako sa iyo at aalisin ko ang iyong ilawan mula sa kinalalagyan nito, malibang magsisi ka” (Apoealipsis 2:5). Kung hahanapin mo ang Panginoon nang iyong buong puso, masusumpungan mo Siya.TKK 305.3

    Malapit na ang wakas! Wala tayong panahon na dapat sayangin. Isang liwanag ang dapat sumikat mula sa bayan ng Diyos sa malinaw at natatanging mga sinag, na dinadala si Jesus sa harap ng mga iglesya at sa harap ng mundo— REVIEW AND HERALD, December 23,1890 .TKK 305.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents