Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Espiritu: Isang Saksi, Enero 4

    Ang Espiritu mismo ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu na tayo'y mga anak ng Diyos, Roma 8:16,TKK 10.1

    Ano ang resulta kung ang Espiritu ay sasaksi kasama ng ating espiritu na tayo nga'y mga anak ng Diyos? Ganap na nagpapasakop ang naniniwalang kaluluwa sa kalooban ng Diyos. Bumababa ang Kamahalan ng kalangitan sa banal at malapitang pakikisama sa kanya na humahanap sa Diyos nang buong puso, at ang anak ng Diyos, sa pamamagitan ng masaganang paghahayag ng Kanyang biyaya, ay napapalambot sa isang pagtitiwalang tulad ng sa isang bata. Kailangan mong italaga sa Diyos ang buo mong kaluluwa at katawan nang may lubos na pagtitiwala sa Kanyang kapangyarihan at kahandaang pagpalain ka, sa kabila ng iyong pagiging hindi karapat-dapat at kawalang-magagawa. “Subalit ang lahat ng tumanggap sa Kanya na sumasampalataya sa Kanyang pangalan ay Kanyang pinagkalooban sila ng kapangyarihang maging mga anak ng Diyos” (Juan 1:12).TKK 10.2

    Huwag kang maging sobrang balisa sa pagkaaktibo, kundi maging masigasig sa pananampalataya, na may iisang layunin, ang akitin ang mga kaluluwa kay Jesu-Cristo, ang Manunubos na napako sa krus. Hindi ang lohikal na sermon, ang sermon na kukumbinsi sa kaisipan, ang makagagawa ng gawain. Kailangang hikayatin ang puso, at tunawin tungo sa kabaitan. Kailangang ipasakop ang kalooban sa kalooban ng Diyos, at lahat ng pinapangarap ay dapat maituon sa kalangitan. Kailangang kumain ka ng salita ng Diyos na buhay. Kailangan itong madala sa praktikal na pamumuhay. Kailangan nitong mahawakan at mapasunod ang buong katauhan....TKK 10.3

    Kapag patuloy tayong nagtitiwala kay Jesus, ang magiging handog natin sa Diyos ay ang atin mismong sarili. Sasandig tayo sa katuwiran at pamamagitan ni Cristo Jesus bilang tangi nating pag-asa. Walang kalituhan, walang pag-aalinlangan, dahil sa pamamagitan ng pananampalataya ay nakikita natin si Jesus na itinalaga ng Diyos para sa layuning ito, ang gumawa ng pakikipagkasundo para sa mga kasalanan ng sanlibutan. Siya'y nakapangako sa pamamagitan ng banal na tipanan upang mamagitan para sa lahat ng lumalapit sa Diyos sa pamamagitan Niya, at isagawa ang kanilang kaligtasan kung mananampalataya lamang sila. Ibinibigay sa atin ang pribilehiyo na lumapit tayong may katapangan sa trono ng biyaya, upang tayo'y tumanggap ng awa, at makatagpo ng biyayang makatutulong sa panahon ng pangangailangan. Subalit ang lahat ng tumanggap sa Kanya na sumasampalataya sa Kanyang pangalan ay Kanyang pinagkalooban sila ng kapangyarihang maging mga anak ng Diyos (Hebreo 4:16; Juan 1:12).— MANUSCRIPT RELEASES, vol. 14, pp. 276,277.TKK 10.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents