Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagsisiyasat sa Puso at Pagsusuri sa Sarili, Oktubre 4

    Siyasatin mo ako, O Diyos, at alamin mo ang aking puso; subukin mo ako, at alamin mo ang mga pag-iisip ko! At tingnan mo kung may anumang lakad ng kasamaan sa akin. Mga Awit 139:23,24.TKK 292.1

    Pagkatapos ng pag-akyat ni Cristo sa langit, nagtipon ang mga alagad upang magsumamo nang may kapakumbabaan sa Diyos. At pagkatapos ng sampung araw ng pagsisiyasat sa puso at pagsusuri sa sarili, naihanda ang daan para makapasok ang Banal na Espiritu sa nilinis at itinalagang mga templo ng kaluluwa. Pinuspos ng Espiritu ang bawat puso, na parang ninanais ng Diyos na ipakita sa Kanyang bayan na Kanyang kaukulang karapatan na pagkalooban sila ng pinakapiling mga pagpapala ng langit.TKK 292.2

    Ano ang resulta?—Libu-libo ang nabago sa isang araw. Umilaw pakanan at pakaliwa ang tabak ng Espiritu. Bagong hasa ng kapangyarihan, tumagos ito hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at diwa, at ng mga kasukasuan at utak ng buto. Naalis ang pagsamba sa diyus-diyosan na nahalo sa pagsamba ng mga tao. Nadagdagan ng bagong teritoryo ang kaharian ng Diyos. Ang mga lugar na hindi namumunga at napabayaan ay umalingawngaw ng Kanyang mga papuri. Ang mga mananampalataya, na muling nabago, at ipinanganak nang muli, ay mga buhay na kapangyarihan para sa Diyos. Isang bagong awitin ang inilagay sa kanilang mga bibig, maging ang papuri sa Kataas-taasan.TKK 292.3

    Pinamunuan ng Espiritu, nakita nila si Cristo sa kanilang mga kapatid. Isang pagnanais ang nanaig. Isang paksa ng pagtutulad na nilamon ang iba pa—ang maging katulad ni Cristo, na gawin ang mga gawa ni Cristo. Ang marubdob na sigasig na nadama ay ipinahayag sa pamamagitan ng magiliw na pagkamatulungin, sa pamamagitan ng mabuting mga pananalita at di- makasariling mga gawa. Nagsikap ang lahat na makita kung sino ang higit na makagagawa para sa pagpapalawak ng kaharian ni Cristo. “Ang buong bilang ng mga sumampalataya ay may pagkakaisa sa puso at kaluluwa” (Mga Gawa 4:32).TKK 292.4

    Sa labindalawang alagad itinago ng Dakilang Guro ang lebadura ng katotohanan. Sila ang magiging mga kasangkapan sa mga kamay ng Diyos sa paghahayag ng katotohanan sa mundo. Binigyan sila ng banal na kapangyarihan; sapagkat hiningahan sila ng muling nabuhay na Tagapagligtas, na nagsasabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo.” Taglay ang Espiritu, humayo sila upang sumaksi para sa katotohanan. Kaya ninanais ng Diyos na ang Kanyang mga lingkod ay humayo ngayon dala ang mensaheng ibinigay Niya sa kanila. Ngunit hangga't hindi nila natatanggap ang Banal na Espiritu, hindi nila madadala ang mensaheng ito nang may kapangyarihan. Hanggang sa matanggap nila ang Espiritu, hindi nila mapagtatanto kung ano ang magagawa ng Diyos sa pamamagitan nila.— REVIEW AND HERALD, June 10,1902 .TKK 292.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents