Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nagagalak sa Salita, Abril 17

    “Ang lyong mga salita ay natagpuan, at aking kinain; at sa ganang akin ang lyong mga salita ay katuwaan at kagalakan ng aking puso, sapagkat ako'y tinatawag sa lyong pangalan, O PANGINOON, Diyos ng mga hukbo” Jeremias 15:16,TKK 116.1

    Palaging kailangan ang pagtitiyaga, kahinahunan, pagtanggi sa sarili, at pagsasakripisyo ng sarili sa pagsasagawa ng relihiyon ng Biblia. Ngunit kapag ginawang nananatiling prinsipyo ang Salita ng Diyos sa ating mga buhay, mahahayag sa bawat bagay na kinasasangkutan natin, bawat salita, bawat maliit na pagkilos, na tayo'y napapasailalim kay Jesu-Cristo, na maging ang ating pag-iisip ay naipasakop sa Kanya. Kapag tinanggap ang Salita ng Diyos sa puso, tatanggalin nito ang pagtitiwala sa sarili mula sa kaluluwa. Magiging kapangyarihan para sa kabutihan ang ating mga buhay, dahil pupunuin ng Banal na Espiritu ang ating mga pag-iisip ng mga bagay ng Diyos. Isasagawa natin ang relihiyon ni Cristo; sapagkat nasa ganap na pagkakasundo ang ating mga kalooban sa kalooban ng Diyos.TKK 116.2

    Ang ilan na nag-aangkin ng tunay na relihiyon ay malungkot na kinakaligtaan ang aklat na gabay na ibinigay ng Diyos upang ituro ang daan tungo sa langit. Maaari nilang basahin ang Biblia, ngunit ang pagbabasa ng Salita ng Diyos, sa paraang binabasa natin ang mga salitang iginuhit ng panulat ng tao ay magbibigay lamang ng mababaw na karunungan. Hindi mapapabanal ang mga nakikinig sa pamamagitan ng pagsasalita tungkol sa katotohanan. Maaaring sabihin nila na sila'y gumagawa para sa Diyos, samantalang, kung nasa gitna nila si Cristo, maririnig ang Kanyang tinig na nagsasabi, “Nagkakamali kayo, sapagkat hindi ninyo nalalaman ang mga kasulatan, o ang kapangyarihan ng Diyos” (Mateo 22:29). Hindi malalaman ng mga katulad nito ang tunay na relihiyon.TKK 116.3

    “Ang mga salitang sinabi Ko sa inyo,” sabi ni Cristo, “ay espiritu at buhay” (Juan 6:63). Nagpapatotoo si Jeremias tungkol sa Salita ng Diyos na nagsasabi, “Ang Iyong mga salita ay natagpuan, at aking kinain; at sa ganang akin ang Iyong mga salita ay katuwaan at kagalakan ng aking puso.” May banal na pagpapagaling sa Salita ng Diyos, na hindi mararanasan ng mga tinatawag na matalino, ngunit inilalahad sa mga sanggol. “Ang paghahayag ng Iyong mga salita ay nagbibigay ng kaliwanagan; nagbibigay ng unawa sa walang karunungan” (Awit 119:130). Kung nalagay sa puso ang Salitang ito, ito'y nagiging bahay ng kayamanan ng pag-iisip, na pinagkukunan natin ng mga bagay na bago at luma. Hindi na tayo natutuwa sa pag-iisip ng mga pangkaraniwang bagay ng lupa, kundi sinasabi, “Ilawan sa aking mga paa ang salita Mo, at liwanag sa landas ko” (talatang 105).— REVIEW AND HERALD, May 4,1897.TKK 116.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents