Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pinabanal sa Pamamagitan ng Salita, Abril 18

    “Pabanalin Mo sila sa katotohanan; ang salita Mo ay katotohanan,” Juan 17:17.TKK 117.1

    Ang pasanin ng kahilingan ni Jesus ay ang maingatan mula sa kasamaan ng sanlibutan at mapabanal sa pamamagitan ng katotohanan ang mga mananampalataya sa Kanya. Hindi Niya tayo pinapabayaang magpala-palagay kung ano ang katotohanan, kundi idinidiing, “ang salita Mo ay katotohanan.” Ang Salita ng Diyos ang paraan kung paano naisasagawa ang ating pagpapabanal. Napakahalaga, kung gayon, na masanay natin ang ating sarili sa banal na pagtuturo ng Biblia. Kailangan nating maunawaan ang mga salita ng buhay gaya rin na mahalagang maunawaan ng mga naunang alagad ang panukala ng kaligtasan.TKK 117.2

    Hindi tayo maipagpapaumanhin kung, sa pamamagitan ng sarili nating pagpapabaya, hindi natin nalalaman ang mga hinihingi ng Salita ng Diyos. Binigyan tayo ng Diyos ng Kanyang Salita, ng kapahayagan ng Kanyang kalooban, at ipinangako ang Banal na Espiritu sa mga humihingi nito sa Kanya, upang gabayan sila sa lahat ng katotohanan. Malalaman ng bawat kaluluwang tapat na nagnanasang sundin ang Kanyang kalooban ang doktrina.TKK 117.3

    Puno ang sanlibutan ng bulaang turo; at kung hindi tayo nakatalaga sa personal na pagsasaliksik ng Kasulatan, tatanggapin natin ang mga kamalian ng sanlibutan bilang katotohanan, susundin ang mga gawi nito, at lilinlangin ang sarili nating mga puso. Salungat sa katotohanan ng Diyos ang mga turo at kaugalian ng sanlibutan. Mangangailangan ng banal na tulong ang nais bumaling mula sa paglilingkod sa sanlibutan tungo sa paglilingkod sa Diyos. Kailangan nilang ituon ang kanilang mga mukha gaya ng batong kiskisan tungo sa Zion. Mararamdaman nila ang pagsalungat ng sanlibutan, ng laman, at ng diyablo, at kakailanganing sumalungat sa espiritu at impluwensiya ng sanlibutan.TKK 117.4

    Mula nang nilabanan ng Anak ng Diyos ang mapagmalaking pagtatangi at kawalang pananampalataya ng katauhan, hindi pa nagkaroon ng pagbabago sa saloobin ng sanlibutan tungo sa relihiyon ni Jesus. Kailangang salubungin ng mga lingkod ni Cristo ang gayon ding espiritu ng pagsasalungat at paninira, at kailangan nilang humayo “sa labas ng kampo na dala ang Kanyang kahihiyan” (Hebreo 13:13).TKK 117.5

    Inihayag ang misyon ni Jesus sa pamamagitan ng mga kapani-paniwalang himala. Namangha ang mga tao sa Kanyang pagtuturo. Hindi iyon pasalungat na pagsasalita ng mga eskriba, na puno ng mistisismo, pinapabigat ng mga kakatwang anyo ng walang kahulugang hinihingi; kundi ito'y sistema ng katotohanan na pumupuno sa mga pagnanasa ng puso. Madaling unawain, malinaw, at malawak ang saklaw ng Kanyang turo. May kapangyarihang nakakahikayat ang mga praktikal na katotohanan na Kanyang binigkas, at inagaw ang pansin ng bayan.—REVIEW AND HERALD, February 7,1888.TKK 117.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents