Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabutihang-loob, Marso 21

    Kung paanong sa matinding pagsubok ng kapighatian, ang kasaganaan ng kanilang kagalakan at ang kanilang labis na kahirapan ay sumagana sa kayamanan ng kanilang kagandahang-loob, 2 Corinto 8:2,TKK 88.1

    Napapanagumpayan lamang ang pagkamakasarili at naihahalimbawa ang isipan ni Cristo kapag lubos na kinikilala ang mga motibong Kristiyano, at gising ang konsensya sa tungkulin, kapag nakagagawa ng mga impresyon ang banal na liwanag sa puso at karakter. Aalisin ng Banal na Espiritu na gumagawa sa mga puso at karakter ng tao ang lahat ng hilig sa kasakiman at sa mapandayang pakikitungo. TKK 88.2

    Kapag ang sugo ng Panginoon ay may mensahe sa iglesya, nagsasalita ang Diyos sa mga tao, na ginigising ang konsensya para makita na sila'y hindi nagbibigay ng tapat na ikapu sa Panginoon, at noong hindi pa madaling magbigay, bigo silang ipagkaloob ang mga handog nila sa Kanya. Ginamit nila ang sariling pera ng Panginoon para sa kanilang sarili, sa pagpapatayo ng mga bahay, sa pagbili ng mga kabayo, karitela, o mga lupain. Ginagawa nila ito sa pag-asang magkakaroon ng malaking kita, at bawat taon ay ganon pa rin ang kanilang idinadahilan. “Mananakawan ba ng tao ang Diyos?” (Malakias 3:8). Aba'y oo, maraming beses na niya itong ginawa, dahil hindi siya espiritwal, para makita ang mga espiritwal na bagay.TKK 88.3

    Sa ilang pagkakataon, disididong kumilos ang Panginoon sa mga taong makasanlibutan at makasarili. Niliwanagan ng Banal na Espiritu ang kanilang mga pag-iisip, naramdaman ng kanilang mga puso ang nagpapalambot at sumusupil na impluwensya nito. Sa ilalim ng pagkadama ng masaganang kahabagan at biyaya ng Diyos, nadama nila na tungkulin nilang isulong ang Kanyang gawain, at itatag ang Kanyang kaharian. Naalala nila ang utos na, “Huwag kayong magtipon ng mga kayamanan para sa inyong sarili sa lupa, na dito ay naninira ang bukbok at ang kalawang at ang mga magnanakaw ay nakakapasok at nakakapagnakaw; kundi magtipon kayo para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa langit, na doon ang bukbok at ang kalawang ay hindi makapaninira at ang mga magnanakaw ay hindi rin makakapasok ni makakapagnakaw” (Mateo 6:19, 20). Nakadama sila ng hangaring magkaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos, at nangako silang magbibigay ng kanilang kayamanan sa ilan sa mga sari-saring proyekto sa gawain ng Panginoon. Ang pangakong iyan ay hindi ginawa sa tao, kundi sa Diyos sa presensiya ng Kanyang mga anghel na kumikilos sa mga puso ng mga taong ito na makasarili at mahilig sa pera.— REVIEW AND HERALD, May 23,1893.TKK 88.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents