Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Mga Ulan ng Biyaya, Enero 17

    Hingin ninyo sa Panginoon ang ulan sa kapanahunan ng ulan sa tagsibol, mula sa Panginoon na gumagawa ng ulap na may dalang unos, at Kanyang bibigyan sila ng ulan, sa bawat isang damo sa parang. Zacarias 10:1,TKK 23.1

    Sa Silangan, bumabagsak ang unang ulan sa panahon ng paghahasik. Kailangan ito upang sumibol ang binhi. Sa ilalim ng impluwensiya ng nagpapatubong ulan, lumalabas ang murang usbong. Ang huling ulan, na bumubuhos sa pagtatapos ng panahon ng pagtatanim, ang nagpapahinog sa butil, at inihahanda ito para sa pagkarit. Ginagamit ng Panginoon ang mga pagganang ito ng kalikasan upang ilarawan ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung paanong ibinibigay ang hamog at ang ulan upang pasibulin ang binhi, at pagkatapos ay upang pahinugin ang aanihin, gayundin ibinibigay ang Banal na Espiritu upang isulong ang paglagong espiritwal mula sa isang yugto hanggang sa isa pa. Ang paghinog ng binhi ay kumakatawan sa pagkakatapos ng Gawain ng biyaya ng Diyos sa kaluluwa. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, ang larawang moral ng Diyos ay dapat lubusin sa karakter. Kailangang lubusan tayong baguhin sa larawan ni Cristo....TKK 23.2

    Sa malaking bahagi ay marami ang nabigong tanggapin ang unang ulan. Hindi nila nakamtan ang lahat ng pakinabang na inilaan nang ganyan ng Diyos para sa kanila. Umaasa silang pupunan ng huling ulan ang kakulangan. Kapag ibibigay na ang pinakamayamang sukat ng biyaya, balak nilang buksan ang kanilang mga puso para tanggapin ito. Gumagawa sila ng isang matinding pagkakamali. Ang gawaing sinimulan ng Diyos sa puso ng tao sa pagbibigay ng Kanyang liwanag at kaalaman ay dapat patuloy na sumulong. Dapat makita ng bawat isa ang kanyang pangangailangan. Kailangang maalis sa puso ang bawat karumihan, at malinis para sa pagtira ng Espiritu.TKK 23.3

    Sa pamamagitan ng pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan, sa taimtim na pananalangin at pagtatalaga ng kanilang sarili sa Diyos, inihanda ng mga unang alagad ang kanilang sarili para sa pagbuhos ng Banal na Espiritu noong araw ng Pentecostes. Kailangang maisagawa ngayon ang ganon ding gawain, sa mas malaking sukat lang nga. Kung gayo'y kailangan lang hilingin ng instrumentong tao ang pagpapapala, at maghintay na lubusin ng Panginoon ang gawain ukol sa kanya. Ang Diyos ang nagsimula ng gawain, at Siya rin ang tatapos sa Kanyang gawain, na ginagawang buo ang tao kay Jesu-Cristo. Pero hindi dapat magkaroon ng pagpapabaya sa biyayang inilalarawan ng unang ulan. Sila lamang na nabubuhay ayon sa liwanag na nasa kanila ang tatanggap ng higit pang liwanag. Malibang sumusulong tayo araw-araw sa paghahalimbawa sa mga aktibong kabutihang Kristiyano, hindi natin makikilala ang mga pagpapahayag ng Banal na Espiritu sa huling ulan.— REVIEW AND HERALD, March 2,1897.TKK 23.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents