Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Oktubre—Handa Para Sa Espiritu

    Ang Pinakadakilang Pangangailangan, Oktubre 1

    Linisin mo ako ng isopo, at ako'y magiging malinis; hugasan mo ako at ako'y magiging higit na maputi kaysa niyebe. Mga Awit 51:7,TKK 289.1

    Ang muling pagkabuhay ng tunay na kabanalan sa kalagitnaan natin ay ang pinakadakila at pinakamahalaga sa lahat ng ating pangangailangan. Ang hanapin ito ang una nating dapat gawin.TKK 289.2

    Kailangang may masigasig na pagsusumikap na matamo ang pagpapala ng Panginoon, hindi dahil ayaw ng Diyos na ipagkaloob sa atin ang Kanyang pagpapala, kundi dahil hindi tayo handang tanggapin ito. Ang ating Ama sa langit ay mas handang ibigay ang Kanyang Banal na Espiritu sa mga humihingi sa Kanya kaysa sa mga makaklupang magulang na magbigay ng mabubuting regalo sa kanilang mga anak. Ngunit gawain natin, sa pamamagitan ng paghahayag ng kasalanan, pagpapakumbaba, pagsisisi, at taimtim na pananalangin, na ganapin ang mga kondisyon kung saan ipinangako ng Diyos na ipagkaloob sa atin ang Kanyang pagpapala.TKK 289.3

    Ang muling pagpapasigla ay kailangan lamang asahan bilang sagot sa pananalangin. Habang lubhang salat ang mga tao sa Banal na Espiritu ng Diyos, hindi nila mapapahalagahan ang pangangaral ng Salita; subalit kapag ang kapangyarihan ng Espiritu ay humipo sa kanilang mga puso, kung gayon hindi mawawalan ng bisa ang mga pinagtalakayan. Pinatnubayan ng mga turo ng Salita ng Diyos, na taglay ang pagpapahayag ng Kanyang Espiritu, na ginagamit ang mabuting pagpapasiya, magkakaroon ng mahalagang karanasan yaong mga dumadalo sa ating mga pagpupulong, at pag-uwi sa tahanan ay magiging handa upang magkaroon ng nakapagpapalakas na impluwensiya.TKK 289.4

    Alam ng mga matatandang tagapagdala ng pamantayan kung ano ang pakikipagbuno sa Diyos sa panalangin, at tamasahin ang pagbuhos ng Kanyang Espiritu. Ngunit nawawala na ang mga ito mula sa entablado; at sino ang dumarating upang punan ang kanilang mga puwesto? Kumusta ang umuusbong na henerasyon? Nagbalik-loob ba sila sa Diyos? Gising ba tayo sa gawaing nagaganap sa santuwaryo sa langit, o naghihintay ba tayo ng isang mapanghikayat na kapangyarihan na dumating sa iglesya bago tayo magising? Umaasa ba tayong makitang sumigla ang buong iglesya? Hindi na darating ang panahong iyon.TKK 289.5

    May mga tao sa iglesya na hindi nabago, at hindi makikiisa sa taimtim at nananaig na pananalangin. Kailangang makilahok sa gawain ang bawat isa. Dapat higit tayong nananalangin, at nagsasalita nang mas kaunti.— REVIEW AND HERALD, March 22,1887 .TKK 289.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents