Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Marso—Mabunga Sa Espiritu

    Isang Banal na Halimuyak, Marso 1

    “Ako'y hindi ninyo pinili, ngunit kayo'y pinili Ko, at itinalaga Ko kayo upang kayo'y humayo at magbunga, at ang mga bunga ninyo'y mananatili, upang ang anumang inyong hingin sa Ama sa Aking pangalan ay ibigay Niya sa inyo,” Juan 15:16,TKK 68.1

    Upang magkaroon ng maraming bunga, kailangan nating pagbutihin ang ating mga pribilehiyo't pagkakataon, na nagiging higit at higit pang espiritwal kung mag-isip. Dapat nating alisin ang lahat ng pagiging karaniwan, lahat ng pagmamataas, lahat ng kamunduhan, at araw-araw na makatanggap ng banal na tulong. Kung lumalago ka sa espiritwal, kailangan mong gamitin ang lahat ng kaparaanang inilalaan ng ebanghelyo, at maging handang magkamit ng kabanalan sa pamamagitan ng impluwensya ng Banal na Espiritu; sapagkat ang binhi ay pinalalaki ng mga di-nakikita’t supernatural na ahensya mula sa usbong hanggang sa uhay na hitik as butil.TKK 68.2

    Ang pangakong ipinang-aliw ni Jesus sa Kanyang mga alagad bago ang pagkakanulo at pagpapako sa Kanya sa krus ay ang pangakong Banal na Espiritu; at sa doktrina tungkol sa banal na impluwensya at ahensya, anong laking mga kayamanan ang naihayag sa kanila; sapagkat kabuntot ng pagpapalang ito ang lahat ng iba pang mga pagpapala. Hinihingahan ng Banal na Espiritu ang kaluluwang mapagpakumbabang sumasandig kay Cristo bilang May-akda at Tagatapos ng kanyang pananampalataya; at mula sa ganyang mananampalataya ay lalabas ang bunga tungo sa buhay na walang- hanggan. Magiging mabango ang kanyang impluwensya, at magiging musika ang pangalan ni Jesus sa kanyang tainga, at awit sa kanyang puso.TKK 68.3

    Ang Kristiyano ay magiging samyo ng buhay tungo sa buhay para sa iba, kahit na baka hindi niya maipaliwanag ang mga hiwaga ng kanyang karanasan. Pero malalaman niya na noong pinalibutan siya ng mga ulap at kadiliman, at dumaing siya sa Panginoon, nahawi ang kadiliman, at ang kapayapaa't katuwaan ang nasa templo ng kaluluwa. Malalaman niya kung anong ibig sabihin ng mahayag ang nagpapatawad na pagmamahal ng Diyos sa puso, ng maranasan ang kapayapaan na hindi maabot ng pag-iisip, ng pag-uumapaw ng papuri at pasasalamat at pagsamba sa kaluluwa patungo sa Kanya na nagmahal sa atin, at naghugas ng ating mga kasalanan sa sarili Niyang dugo. Meron siyang kapayapaan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, at katuwaan sa Banal na Espiritu. Dahil kaisa ni Cristo, puno ang kaluluwa niya ng pagpapasakop sa Kanyang kalooban, at nakadambana ang langit sa kanyang puso samantalang siya'y nakalukob sa dibdib ng walang-hanggang pagmamahal. Ang mga ganitong uri ng Kristiyano ay magbubunga nang marami sa ikaluluwalhati ng Diyos. Bibigyang-kahulugan nila nang tama ang karakter ng Diyos, at ipapakita ang Kanyang mga katangian sa sanlibutan.— SIGNS of THE TIMES, April 3,1893.TKK 68.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents