Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Mga Paraan ng Pangunguna ng Espiritu sa Atin, Abril 3

    “Pinapakinggan ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking kilala, at sila'y sumusunod sa Akin.” Juan 10:27.TKK 102.1

    Inaasahan ni Jesus na maglingkod sa Kanya ang lahat ng nag-aangking Kanyang mga kawal. Inaasahan Niyang makilala ninyo ang kaaway at labanan siya, hindi makipagkasundo sa kanya at sa gayo'y pagtaksilan ang banal na pagtitiwala sa inyo. Inilagay kayo ng Panginoon sa posisyon kung saan maaari kayong maitaas at gawing marangal, at patuloy na nagkakamit ng kahandaan para sa Kanyang gawain. Kung hindi kayo magkamit ng mga kuwalipikasyong ito; kayo lamang ang maaaring sisihin.TKK 102.2

    May tatlong paraan na inihahayag ng Panginoon ang Kanyang kalooban sa atin, upang gabayan tayo, at gawin tayong handa na gabayan ang iba. Paano natin mapag-iiba ang Kanyang tinig mula roon sa isang estranghero? Paano natin ito mapag-iiba mula roon sa tinig ng bulaang pastol. Inilalahad ng Diyos ang Kanyang kalooban sa Kanyang Salita, ang Banal na Kasulatan. Inihahayag ang Kanyang tinig sa Kanyang gawang pagbibigay; at makikilala ito kung hindi natin ihihiwalay ang ating mga kaluluwa mula sa Kanya sa pamamagitan ng paglakad sa sarili nating landas, pagkilos sang-ayon sa ating sariling kalooban at pagsunod sa udyok ng isang pusong hindi pinabanal, hanggang malito ang ating mga pandama na anupa't hindi nababatid ang mga bagay na walang hanggan, at natatago ang tinig ni Satanas na anupa't tinatanggap ito bilang tinig ng Diyos.TKK 102.3

    Ang isa pang paraan na naririnig ang tinig ng Diyos ay sa pamamagitan ng mga pagsusumamo ng Kanyang Banal na Espiritu, na gumagawa ng mga impresyon sa puso, na mailalahok sa karakter. Kung nag-aalinlangan kayo tungkol sa isang paksa, kailangan muna ninyong tanungin ang Kasulatan. Kung talagang nasimulan mo ang buhay ng pananampalatayang ito, ibinigay mo ang iyong sarili sa Panginoon upang maging ganap na Kanya, at ikaw ay Kanyang hinuhulma at hinuhugis sang-ayon sa Kanyang layunin, upang ika'y maging sisidlan na ikararangal. Kailangan ninyong magkaroon ng masikap na pagnanasa na maging malambot sa Kanyang mga kamay at sumunod saanman Siya manguna. Sa gayo'y nagtitiwala kayo sa Kanya na gawin ang Kanyang layunin, samantalang nakikipagtulungan kayo sa Kanya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sarili nating kaligtasan na may takot at panginginig. Mahihirapan ka dito, aking kapatid, dahil hindi mo natutuhan sa pamamagitan ng karanasan na kilalanin ang tinig ng Mabuting Pastol, at inilalagay ka nito sa pag-aalinlangan at panganib. Dapat mong makilala ang Kanyang tinig.— TESTIMONIES FOR THE CHURCH, vol. 5, pp. 511, 512.TKK 102.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents