Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Palaging Lumalago, Pebrero 28

    Ngunit ang landas ng matuwid ay parang liwanag ng bukang-liwayway, na sumisikat ng higit at mas maliwanag hanggang maging ganap na araw, Kawikaan 4:18,TKK 66.1

    Sa walang-hanggang halaga, ginawa na ang paglalaan para maabot ng mga tao ang kasakdalan ng Kristiyanong karakter. Silang nabigyan ng pribilehiyong marinig ang katotohanan, at inudyukan ng Banal na Espiritu na tanggapin ang Banal na Kasulatan bilang tinig ng Diyos ay walang maidadahilan sa pagiging unano sa buhay-relihiyon. Sa paggamit sa mga kakayahang bigay sa kanila ng Diyos, araw-araw dapat silang matuto, at araw-araw na nakatatanggap ng espiritwal na kasiglahan at kapangyarihan, na inilaan na para sa bawat tunay na mananampalataya. Kung gusto nating maging mga lumalagong halaman sa hardinng Panginoon,dapattuluy-tuloy ang ating suplay ng espiritwal na buhay at kasipagan. Sa gayo'y makikita ang paglago sa pananampalataya at pagkakilala sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Walang bahay sa gitna ng paglalakbay na mapapag-iwanan natin ng responsibilidad, at mapapagpahingahan sa daan. Kailangang patuloy tayong sumusulong palangit, na bumubuo ng isang matibay na panrelihiyong karakter.TKK 66.2

    Ang sukat ng Banal na Espiritung tinatanggap natin ay kasukat sa ating paghahangad at pananampalatayang ginamit para rito, at sa paraan ng paggamit natin sa liwanag at kaalamang ibibigay sa atin. Pagkakatiwalaan tayo ng Banal na Espiritu ayon sa kakayahan nating tumanggap at sa abilidad nating ibahagi ito sa iba. Sabi ni Cristo, “Ang bawat humihingi ay tumatanggap, at ang humahanap ay nakakatagpo” (Lucas 11:10).TKK 66.3

    Siyang tunay na naghahanap sa mahalagang biyaya ni Cristo ay tiyak na hindi mabibigo. Ang pangakong ito ay ibinigay sa atin Niya na hindi tayo lolokohin. Hindi ito sinabi bilang isang kasabihan o teorya, kundi isang katotohanan, bilang batas ng banal na pamahalaan. Makatitiyak tayo na matatanggap natin ang Banal na Espiritu kung bawat isa sa ati'y susubok sa eksperimento ng pagpurba sa Salita ng Diyos. Totoo ang Diyos; perpekto ang Kanyang kaayusan. “Ang humahanap ay nakakatagpo, at ang tumutuktok ay pinagbubuksan” (talatang 10). Ang liwanag at katotohanan ay sisikat ayon sa hangarin ng kaluluwa. O nawa'y magutom at mauhaw ang lahat para sa katuwiran, upang sila'y mabusog!—REYIEWAND HERALD, May 5,1896.TKK 66.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents