Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Higit Pang Pag-ibig, Oktubre 29

    “Kung magkagayo'y tatawag ka at ang PANGINOON ay sasagot; ikaw ay dadaing, at siya'y magsasabi, Narito ako, “Kung iyong alisin sa gitna mo ang pamatok, ang pang-alipusta, at ang pagsasalita ng masama; kung magmamagandang-loob ka sa gutom, at iyong tugunin ang nais ng nagdadalamhati, kung magkagayo'y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman, at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang-tapat,” Isaias 58:9,10.TKK 317.1

    Hayaang ang lahat ng mga nag-aangking tumutupad sa mga utos ng Diyos, ay tingnang mabuti ang paksang ito, at alamin kung mayroong hindi kadahilanan kung bakit wala silang karagdagan ng pagbubuhos ng Banal na Espiritu. Gaano karami ang itinataas ang kanilang mga kaluluwa sa walang kabuluhan! Iniisip nilang dakila sa pabor ng Diyos ang kanilang mga sarili, ngunit pinababayaan nila ang mga nangangailangan, nagbibingi-bingihan sila sa mga tawag ng inapi, at nagsasalita ng matalas at nakasasakit na mga salita sa mga nangangailangan ng lubos na ibang pakikitungo. Samakatuwid nasasaktan nila ang Diyos araw-araw sa pamamagitan ng kanilang katigasan ng puso. Ang mga naghihirap na mga ito ay may karapatan sa pakikiramay at interes ng kanilang kapwa tao. May karapatan silang asahan ang tulong, kaaliwan, at pagibig na tulad ng kay Cristo. Subalit hindi ito ang kanilang natatanggap.TKK 317.2

    Ang bawat kapabayaan sa mga nagdurusang anak ng Diyos ay nakasulat sa mga aklat ng langit na para bang ipinapakita din ito kay Cristo mismo. Suriing mabuti ng bawat kaanib ng iglesya ang kanyang puso, at siyasatin ang kanyang kinikilos, upang tingnan kung may pagkakaisa ang mga ito sa Espiritu at sa gawain ni Jesus; sapagkat kung hindi, ano ang kanyang masasabi kapag siya'y tatayo sa harap ng Hukom ng buong lupa? Masasabi ba ng Panginoon sa kanya, “Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula sa pagkatatag ng sanlibutan” (Mateo 25:34)?TKK 317.3

    Iniuugnay ni Cristo ang Kanyang interes sa nagdurusang sangkatauhan; at habang Siya ay napapabayaan sa katauhan ng Kanyang mga naghihirap na mga anak, ang lahat ng ating mga pagpupulong, ang lahat ng ating mga itinalagang pagtitipon, at lahat ng mga kasangkapan na itinakdang patakbuhin upang isulong ang layunin ng Diyos, ay hindi gaanong mapapakinabangan. “Dapat lamang ninyong gawin ang mga ito, na hindi pinababayaan ang iba” (Lueas 11:42). “Ikaw ay tinimbang sa timbangan at natuklasang kulang” (Daniel 5:27).TKK 317.4

    Magiging banal muna sa lupa ang lahat ng mga magiging banal sa langit. Hindi nila susundan ang apoy ng kanilang sariling pagniningas, hindi sila gagawa para sa kapurihan, o magsasalita ng mga salitang walang kabuluhan, o ituturo ang darili sa paghatol at pang-aapi; ngunit susundin nila ang Liwanag ng buhay, magpapalaganap ng liwanag, kaginhawaan, pag-asa at lakas ng loob sa mismong mga nangangailangan ng tulong, at hindi mamimintas at maninisi.— REVIEW AND HERALD, August 4,1891 .TKK 317.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents