Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pag-ibig, Marso 3

    Masdan ninyo kung anong uri ng pag-ibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upang tayo'y matawag na mga anak ng Diyos; at tayo'y gayon nga, Dahil dito’y hindi tayo nakikilala ng sanlibutan, sapagkat Siya’y hindi nakilala nito, 1 Juan 3:1,TKK 70.1

    Sabi ni Juan, “Masdan ninyo kung anong uri ng pag-ibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upang tayo'y matawag na mga anak ng Diyos” (1 Juan 3:1). Walang wika na kayang makapagpahayag ng pag-ibig na ito; ang kaya lang nating ilarawan ay bahagyang antas lamang ng pag-ibig na higit pa sa kaalaman (Efeso 3:19). Kakailanganin ang lengguwahe ng Diyos para maipahayag ang pag-ibig na ginawang posible ang tayo'y matawag na mga anak ng Diyos. Sa pagiging Kristiyano, hindi pababa ang hakbang ng isang tao. Walang nakahihiya sa pagkakaroon ng kaugnayan sa Diyos na buhay.TKK 70.2

    Tiniis ni Jesus ang paghamak at kahihiyan at paninira na dapat ay makatwirang para sa makasalanan. Siya ang Kamahalan ng langit, Siya ang Hari ng kaluwalhatian, kapantay Siya ng Ama; gayunma'y dinamitan Niya ng pagkatao ang Kanyang pagka-Diyos, upang mahipo ng pagkatao ang sangkatauhan, at mahawakan ng pagka-Diyos ang Kadiyosan. Kung dumating Siya bilang isang anghel, hindi sana Siya naging kabahagi natin sa ating mga pagdurusa, hindi sana Siya tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin, hindi sana Niya kayang makiramay sa ating mga kalungkutan (Hebreo 4:15); pero dumating Siya sa damit ng ating pagkatao, upang bilang kapalit at katiyakan natin, ay madaig Niya ang prinsipe ng kadiliman para sa atin, at gawin tayong mga mananagumpay sa pamamagitan ng Kanyang mga nagawa.TKK 70.3

    [Habang nakatayo tayo] sa anino ng krus ng Kalbaryo, pinupuno ng inspirasyon ng Kanyang pagmamahal ang ating mga puso. Kapag tumingin ako sa Kanya na inulos ng aking mga kasalanan, ang inspirasyon mula sa kaitaasan ay dumarating sa akin; at ang inspirasyong ito ay puwede ring dumating sa bawat isa sa inyo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Malibang tanggapin ninyo ang Banal na Espiritu, hindi mapapasainyo ang pagmamahal ng Diyos sa kaluluwa; ngunit sa pamamagitan ng buhay na koneksyon kay Cristo, kinakasihan tayo ng pag-ibig at sigasig at kasipagan.TKK 70.4

    Hindi tayo gaya ng bloke ng marmol, na maaaring isalamin ang liwanag ng araw, pero hindi kayang tumanggap ng buhay. Kaya nating tumugon sa maliliwanag na sinag ng Araw ng Katuwiran; dahil habang nililiwanagan ni Cristo ang ating mga kaluluwa, nagbibigay Siya ng liwanag at buhay. Iniinom natin ang pag-ibig ni Cristo gaya ng pagkuha ng sanga ng sustansya mula sa puno. Kung tayo'y nakadugtong kay Cristo, kung sa bawat himaymay ay kaisa tayo ng buhay na Puno, makapagbibigay tayo ng patunay sa bagay na ito sa pamamagitan ng pamumunga ng masasaganang kumpol.— REVIEW AND HERALD, September 27,1892 .TKK 70.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents