Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagmamahalan Bilang Magkakapatid, Marso 20

    Magmahalan kayo na may pag-ibig bilang magkakapatid; sa pagpaparangal sa iba ay mag-unahan kayo. Roma 12:10.TKK 87.1

    Kapag kumikilos ang Banal na Espiritu sa isipan ng mga tao, lahat ng maliliit na reklamo at akusasyon sa pagitan ng tao at ng kanyang kapwa ay aalisin. Ang maliliwanag na sinag ng Araw ng Katuwiran ay sisikat sa mga silid ng puso at isipan. Sa ating pagsamba sa Diyos hindi magkakaroon ng pagkakaiba sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, ng mapuputi at maiitim. Matutunaw ang lahat ng di-magandang palagay sa kapwa. Kapag lumalapit tayo sa Diyos, ito'y bilang iisang kapatiran. Tayo'y mga manlalakbay at taga-ibang lupa, na patungo sa isang mas mabuting lupain, samakatuwid ay ang makalangit (Hebreo 11:16). Doon, lahat ng pagmamataas, lahat ng akusasyon, at lahat ng pandaraya sa sarili ay mawawakasan. Isasantabi ang lahat ng maskara, at “Siya'y ating makikita bilang Siya” (1 Juan 3:2). Doo'y mahahagip ng ating mga awit ang nakasisiglang tema, at papailanglang sa Diyos ang papuri at pasasalamat.— REVIEW AND HERALD, October 24, 1899 .TKK 87.2

    Dumating ang Panginoong Jesus sa ating sanlibutan para iligtas ang mga lalaki't babae mula sa lahat ng mga bansa.... Dumating si Jesus para magsabog ng liwanag sa buong mundo. Sa pagsisimula ng Kanyang ministeryo, inilahad Niya ang Kanyang misyon: “Ang Espiritu ng Panginoon ay nasa Akin, sapagkat Ako'y hinirang Niya upang ipangaral ang magandang balita sa mga dukha. Ako'y sinugo Niya upang ipahayag ang paglaya sa mga bihag, at ang muling pagkakaroon ng paningin sa mga bulag, upang palayain ang mga naaapi, upang ipahayag ang taon ng biyaya mula sa Panginoon” (Lucas 4:18, 19)....TKK 87.3

    Ang mata ng Panginoon ay nasa lahat Niyang nilalang; mahal Niya silang lahat, at hindi gumagawa ng pagkakaiba sa pagitan ng puti at itim, maliban na lang sa espesyal Niyang maunawaing kaawaan para sa mga tinatawagang magpasan ng mas mabigat na pasanin kaysa iba. Yung mga nagmamahal sa Diyos at sumasampalataya kay Cristo bilang kanilang Manunubos, bagama't kailangan nilang harapin ang mga pagsubok at kahirapang nakaharang sa kanilang daan, ay dapat pa ring tanggapin nang may masayang espiritu ang kanilang buhay ayon sa kung ano ito, na nalalamang pinahahalagahan ng Diyos sa kaitaasan ang mga bagay na ito, at para sa lahat ng kinakaligtaang ibigay ng sanlibutan, Siya mismo ang magpupuno sa kanila sa mga pinakamabubuting pabor.— SELECTED MESSAGES, book 2, pp. 487, 488 .TKK 87.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents