Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagkakasundo, Marso 17

    Na nagsisikap na mapanatili ang pagkakaisa ng Espiritu sa buklod ng kapayapaan. May isang katawan at isang Espiritu, kung paanong tinawag kayo sa isang pag-asa ng pagkatawag sa inyo. Efeso 4:3, 4.TKK 84.1

    Gagawa ang Banal na Espiritu sa mga nakatalagang instrumentong tao; sapagkat ito ang layunin ng Diyos. Binuksan ng Diyos ang isang pintuan sa pagitan ng langit at lupa, na walang kapangyarihang kayang makapagsara. Tinatawagan Niya ang bawat tao na maging dalisay, banal, at pinabanal, upang matapos ang gawain para sa kapanahunang ito. Kapag inilalagay ng bayan ng Diyos ang kanilang sarili sa tamang kaugnayan sa Kanya at sa isa't isa, magkakaroon ng lubusang pagbibigay ng Banal na Espiritu para sa nagkakasundong pagkakaisa ng buong katawan.TKK 84.2

    Wala nang litaw na litaw na nagpapahina sa iglesya na kagaya ng pagkakawatak-watak at pag-aaway-away. Wala nang nakikipaglaban nang ganon kay Cristo at sa katotohanan nang gaya sa espiritung ito. “Kaya't makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga” (Mateo 7:20). “Ang isang bukal ba ay binubukalan ng matamis at mapait? Mga kapatid ko, maaari ba na ang puno ng igos ay magbunga ng olibo, o ng mga igos ang puno ng ubas? Hindi rin maaaring daluyan ng tabang ang maalat na tubig. Sino ang marunong at maunawain sa inyo? Ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay ang kanyang mga gawa sa kaamuan ng karunungan” (Santiago 3:11-13).TKK 84.3

    “Kaya't itaas ninyo ang mga kamay na nanghihina at muling palakasin ang mga tuhod na nanlulupaypay, at gumawa kayo ng matuwid na landas para sa inyong mga paa, upang huwag malinsad ang pilay, kundi bagkus ay gumaling. Pagsikapan ninyong magkaroon ng kapayapaan sa lahat at ng kabanalan na kung wala nito'y walang sinumang makakakita sa Panginoon. Pakaingatan ninyo na baka ang sinuma'y mahulog mula sa biyaya ng Diyos; baka may ilang ugat ng kapaitan ang sumibol at bumagabag sa inyo at mahawa nito ang marami” (Hebreo 12:12-15).TKK 84.4

    Hangga't tayo'y nasa mundong ito, kailangan tayong kaugnay ng isa't isa. Ang sangkatauhan ay itinatali at inihahabi sa sangkatauhan. Bilang mga Kristiyano tayo'y kaanib ng isa't isa. Ginawa tayo ng Panginoon na ganito, at kapag dumating ang mga kabiguan, hindi natin dapat pag-isipan ng masama ang isa't isa. Tayo'y indibiduwal na kaanib ng pangkalahatang katawan. Sa kawalang-magagawa at kabiguan ay nakikipaglaban tayo sa mga laban ng buhay, at panukala ng Panginoon na tulungan natin ang isa't isa bilang mga anak Niyang lalaki at babae, na tinatawag Niyang mga kaibigan. Ito'y dapat na maging bahagi ng praktikal nating gawaing Kristiyano.— SIGNS of THE TIMES, February 7,1900.TKK 84.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents