Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Mananalaysay: Paggamit ng Mga Sekular na mga Pagkukunan, Agosto 7

    Yamang marami ang nagsikap mag-ayos ng isang kasaysayan tungkol sa mga bagay na naganap sa gitna natin, ayon sa ipinaalam sa atin ng mga taong buhat sa pasimula ay mga saksing nakakita at mga tagapangaral ng salita, ay minabuti ko naman, pagkatapos na siyasating mabuti ang lahat ng mga pangyayari buhat sa pasimula, na sumulat ng isang maayos na salaysay para sa iyo, kagalang-galang na Teofilo. Lucas 1:1-3.TKK 232.1

    Kung paanong binubuksan ng Espiritu ng Diyos sa akin ang dakilang mga katotohanan ng Kanyang Salita, at ang mga pangyayari ng nakaraan at darating, inatasan akong ipaalam sa mga iba ang inihayag sa akin—para mabakas ang kasaysayan ng labanan sa mga nakalipas na henerasyon, upang sa gayon ay ipahayag ito na magbibigay liwanag sa mabilis na papalapit na labanan sa darating. Alinsunod sa layuning ito, pinagsikapan kong piliin at pagsama-samahin ang mga pangyayari sa kasaysayan ng iglesya sa paraang mababakas ang paghahayag ng mga dakilang subukang katotohanan na sa iba't ibang panahon ay ibinigay sa sanlibutan, na nagpabangon sa galit ni Satanas, at ng poot ng iglesya na maibigin sa sanlibutan, at pinanghawakan iyon ng mga saksi nilang mga “hindi nila inibig ang kanilang buhay maging hanggang sa kamatayan” (Apoealipsis 12:11). . . .TKK 232.2

    Ang mga dakilang pangyayari na nag-marka sa pag-unlad ng reporma sa nakalipas na mga panahon ay mga usapin ng kasaysayan, hayag at pangsanlibutang kinikilala sa mundo ng mga Protestante; ito ay mga katotohanan na walang sinuman ang makatututol. Ang kasaysayang ito ay daglian kong ipinahayag, sang-ayon sa sakop ng aklat, at kaiklian na kailangang gawin, ang mga katunayang pinaikli sa maliit na espasyo na naaayon sa tamang pagkaunawa ng gamit nito.TKK 232.3

    Sa ilang mga pagkakataon kung saan ang isang mananalaysay ay napagsama-samang ganoon ang mga pangyayari para magkaroon, sa maikli, ng komprehensibong pananaw sa paksa, o kaya ay ibuod ang mga detalye sa maginhawang paraan, ang kanyang salita ay binabanggit; ngunit sa ilang mga pagkakataon ay walang tiyak na pagkilala ang ibinibigay, dahil ang mga sipi ay hindi ibinigay para banggitin ang manunulat bilang awtoridad, sa halip ay dahil ang kanyang salita ay magdudulot ng handa at may puwersang pahayag sa paksa.TKK 232.4

    Sa pagsasaad ng karanasan at mga pananaw nilang mga nagdadala ng gawaing pagbabago sa ating panahon, ang gayunding paggamit ay ginawa sa kanilang mga nailathalang mga gawa.— THE GREAT CONTROVERSY, pp. xi, xii.TKK 232.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents