Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagsisisi, ang Unang Bunga, Marso 2

    Maawa Ka sa akin, O Diyos, ayon sa lyong tapat na pag-ibig; ayon sa lyong saganang kaawaan ay pawiin Mo ang aking mga paglabag. Hugasan Mo akong lubos sa aking kasamaan, at linisin Mo ako sa aking kasalanan. Awit 51:1, 2.TKK 69.1

    Ang pagsisisi ay isa sa mga unang bunga ng nagliligtas na biyaya. Sa Kanyang mga leksyon sa mga nagkakamali't nagkakasalang tao, inilalahad ng ating dakilang Tagapagturo ang nagbibigay-buhay na kapangyarihan ng Kanyang biyaya, sinasabi na sa pamamagitan ng biyayang ito, maaaring ipamuhay ng mga lalaki't babae ang bagong buhay ng kabanalan at kalinisan. Siyang namumuhay ng buhay na ito ay isinasagawa ang mga prinsipyo ng kaharian ng langit. Palibhasa'y tinuturuan ng Diyos, dinadala naman niya ang iba sa mga matuwid na landas. Hindi niya dadalhin ang mga pilay sa mga ditiyak na daan. Ipinapakita ng paggawa ng Banal na Espiritu sa kanyang buhay na siya'y kabahagi ng banal na likas. Ang bawat kaluluwang tinatrabaho nang ganyan ng Espiritu ni Cristo ay nakatatanggap ng napakasaganang suplay ng mayamang biyaya anupa't sa pagkakita sa mabubuti niyang mga gawa, kinikilala ng di-sumasampalatayang sanlibutan na siya'y kinukontrol at inaalalayan ng banal na kapangyarihan, at sa gayo'y naluluwalhati ang Diyos.— GOD’S AMAZING GRACE, p. 138.TKK 69.2

    May mga tao na sa kabila ng lahat ng mabiyayang paanyaya ni Cristo ay patuloy na nagpapakita ng kawalang-Diyos sa kanilang buhay. Sa mga ganyan ay sinasabi ng Diyos: “Hanggang kailan, O mga walang muwang, kayo'y iibig sa inyong kawalang kaalaman?... Sa Aking saway ay bumaling kayo; narito, ibubuhos Ko ang Aking Espiritu sa inyo. Ang mga salita Ko'y ipapaalam Ko sa inyo” (Kawikaan 1:22, 23).— SIGNS of THE TIMES, June 28, 1905.TKK 69.3

    Ang pagsisisi sa kasalanan ang unang bunga ng paggawa ng Banal na Espiritu sa buhay. Ito ang tanging proseso kung saan nakikita sa walang- hanggang kadalisayan ang larawan ni Cristo sa mga taong tinubos Niya. Kay Cristo naninirahan ang buong kapuspusan (Colosas 2:9). Ang siyensyang hindi Niya kasang-ayon ay walang-kabuluhan. Tinuturuan Niya tayong ituring na kalugihan ang lahat ng bagay para sa kahusayan ng makilala si Cristo Jesus na Panginoon natin (Filipos 3:8). Ang pagkakilalang ito ang pinakamataas na siyensya na puwedeng maabot ng sinumang tao.— THE SDA BIBLE COMMENTARY, vol. 6, p. 1068, ELLEN G. WHITE COMMENTS.TKK 69.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents