Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Tiyak na Pagtatagumpay, Disyembre 28

    “Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo, upang sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan, Sa sanlibutan ay nahaharap kayo sa paguusig, Ngunit lakasan ninyo ang inyong loob, dinaig ko na ang sanlibutan” Juan 16:33,TKK 379.1

    Habang nasa lupa wala tayong takas mula sa mga tunggalian at mga tukso; subalit sa bawat unos mayroon tayong tiyak na kanlungan. Sinabi ni Jesus sa atin, “Sa sanlibutan ay nahaharap kayo sa paguusig. Ngunit lakasan ninyo ang inyong loob, dinaig ko na ang sanlibutan.” Inihanda laban sa atin ang mga puwersa ni Satanas, at kailangan nating salubungin ang isang masigasig na kaaway; subalit kung iingatan natin ang pagpapaalala ni Cristo, magiging ligtas tayo. “Kayo'y maging handa at manalangin, upang hindi kayo madaig ng tukso” (Mateo 26:41). May mga kaaway na kailangang labanan at mapanagumpayan, subalit nasa ating panig si Cristo, handang palakasin tayo sa bawat paglusob. “Ito ang tagumpay na dumadaig sa sanlibutan, ang ating pananampalataya” (1 Juan 5:4).TKK 379.2

    Nakikita ng pananampalataya si Jesus bilang ating tagapamagitan sa kanang kamay ng Diyos. Napagmamasdan ng pananampalataya ang mga mansiyong inihanda ni Jesus para sa mga umiibig sa Kanya. Nakikita ng pananampalataya ang balabal at ang koronang pawang inihanda para sa mananagumpay. Nadidinig ng pananampalataya ang awitin ng tinubos, at pinapalapit ang mga walang hanggang kaluwalhatian. Dapat tayong lumapit kay Jesus sa pamamagitan ng maibiging pagsunod kung nais nating makita ang Hari sa Kanyang kagandahan.TKK 379.3

    Mayroon kapayapaan sa pananampalataya, at kagalakan sa Banal na Espiritu. Manampalataya! Manampalataya! Umiiyak ang aking kaluluwa, Manampalataya! Magpahinga sa Diyos. Kaya Niyang ingatan ang iyong ipinangako sa Kanya, at gawin kang higit pa sa mananagumpay sa pamamagitan Niya na umibig sa iyo.TKK 379.4

    Subalit alalahaning ang lahat na matatagpuang nakadamit pangkasal ay manggagaling mula sa malaking kapighatian. Hahampas sa lahat ang malalakas na daluyong ng tukso. Subalit malapit nang matapos ang mahabang gabi ng pagbabantay, ng pagpapakapagod, ng paghihirap. Malapit nang dumating si Cristo. Maghanda na! Hinahangad ng mga anghel ng Diyos na akitin ka mula sa sarili mo at mula sa makamundong mga bagay. Huwag silang hayaang gumawa nang walang kabuluhan. Pananampalataya, buhay na pananampalataya, ang kailangan mo; ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pag- ibig at nagdadalisay sa kaluluwa. Alalahanin ang Kalbaryo at ang kakila-kilabot at walang katapusang sakripisyong ginawa doon para sa tao. Inaanyayahan ka ngayon ni Jesus na lumapit sa Kanya, bilang ikaw, at gawin Siyang lakas mo at iyong walang hanggang kaibigan.— REVIEW AND HERALD, April 17,1894 .TKK 379.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents