Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Mga Matang Nakatingin sa Langit, Oktubre 13

    Sapagkat ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula roon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-Cristo, Filipos 3:20.TKK 301.1

    H indi ba tayo hihiwalay sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng katuwiran, at gawin ang ating pakikipag-usap sa langit, kung saan tayo nagmamasid para sa ating Tagapagligtas? Hindi ba tayo mag-uusap tungkol sa ating Tagapagligtas hanggang sa maging natural na sa atin ang gawin ito? Kung hindi natin aayusin ang ating pakikipag-uusap, hindi natin makikita ang pagliligtas ng Diyos. Aangkinin ni Satanas ang puso, at magiging mahina at mahalay tayo. langat natin ang mga kaisipan, at panghawakan ang mga bagay na may tunay na halaga, na nagkakamit ng edukasyon dito na magiging mahalaga sa mundong darating. Hindi ba natin dapat hanapin ang Diyos nang taimtim, magsisi sa ating mga pagtalikod, magdalamhati na ating napabayaan ang Kanyang Salita, na hindi natin higit na naunawaan ang katotohanan, at magbalik-loob sa Kanya nang may buong puso, upang pagalingin Niya tayo, at mahalin tayo nang malaya? Ngayon, humakbang tayo tungo sa langit. . . .TKK 301.2

    Bubuhos ang huling ulan sa bayan ng Diyos. Isang makapangyarihang anghel ang bababa mula sa langit, at maliliwanagan ang buong lupa ng Kanyang kaluwalhatian. Handa na ba tayong makibahagi sa maluwalhating gawain ng ikatlong anghel? Handa na ba ang ating mga sisidlan na tanggapin ang hamog ng langit? May karumihan at kasalanan ba tayo sa puso? Kung gayon, linisin natin ang templo ng kaluluwa, at maghanda para sa pagbuhos ng huling ulan. Ang kaginhawaan mula sa presensiya ng Panginoon ay hindi kailanman darating sa mga pusong puno ng karumihan. Tulungan nawa tayo ng Diyos na mamatay sa sarili, nang mabuo sa kalooban si Cristo, ang pag-asa ng kaluwalhatian.TKK 301.3

    Dapat nasa puso ko ang Espiritu ng Diyos. Hinding-hindi ako makapagpapatuloy upang gawin ang dakilang gawain ng Diyos, malibang mananatili ang Banal na Espiritu sa aking kaluluwa. “Kung paanong ang usa ay nananabik sa batis na umaagos, gayon nananabik ang aking kaluluwa sa iyo, O Diyos” (Awit 42:1). Ang araw ng paghuhukom ay nasa atin. O, na ating mahugasan ang ating mga kasuotang karakter, at paputiin ang mga ito sa dugo ng Kordero!— REVIEW AND HERALD, April 21,1891. TKK 301.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents