Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagpapakita ng Diyos: Ang Diyos sa Harapan ng mga Tao, Agosto 5

    Ang anghel ng PANGINOON ay nagpakita sa kanya sa isang ningas ng apoy na mula sa gitna ng isang mababang punungkahoy Siya'y nagmasid at ang punungkahoy ay nagliliyab ngunit ito'y hindi nasusunog. Exodo 3:2.TKK 230.1

    Biyernes, Marso 20 (1896), gumising ako ng maaga, mga tatlumpung minuto nang nakalagpas ng alas tres ng umaga. Habang ako ay nagsusulat sa ika-labinlimang kapitulo ng Juan bigla na lamang isang kahanga-hangang kapayapaan ang dumating sa akin. Parang napuno ng kapaligiran ng langit ang buong kuwarto. Ang banal at sagradong Presensiya ay paraang nandoon sa kuwarto ko. Ibinaba ko ang aking panulat at naghintay para makita kung ano ang sasabihin ng Espiritu sa akin. Wala akong nakitang sinuman. Wala akong narinig na nagsasalitang tinig, ngunti parang malapit sa akin ang makalangit na Bantay; naramdaman kong ako'y nasa harapan ni Jesus.TKK 230.2

    Imposibleng maipaliwanag at mailarawan ko ang matamis na kapayapaan at liwanag na parang nasa loob ng aking kwarto. Isang sagrado at banal na kapaligirang nakapaikot sa akin, at may ipinakita sa aking isipan at pangunawa ang mga bagay na malaking kapakinabangan at kahalagahan. Nailagay ang isang linya ng pagkilos sa harapan ko na parang isang hindi nakikitang Presensiya ang nagsaslita sa akin. Parang nawala na sa isipan ko ang tungkol sa aking sinusulat at ibang bagay ang tiyak na binuksan sa harapan ko. Isang malaking paghanga ang parang nasa akin habang ang mga bagay na ito ay idinidiin sa isipan ko.— SELECTED MESSAGES, vol. 3, pp. 35, 36 .TKK 230.3

    Huwebes ng maaga ako'y gumising, mga ikalawa ng umaga, at abalang nagsulat sa paksa tungkol sa Tunay na Puno ng Ubas, nang maramdaman ko ang isang Presensiya sa aking kwarto, gaya ng naranasan kong nagpaulit-ulit nung nauna, at nalimutan ko ang lahat ng mga alaala na nangyari. Parang ako'y nasa harapan ni Jesus. Siya'y nakikipagusap sa akin kung saan ako ay kailangang turuan. Ang lahat ay napakaliwanag upang hindi ako magkamali sa pag-unawa.— SELECTED MESSAGES, vol. 3, p. 36.TKK 230.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents