Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Kaloobang Isinuko, Oktubre 16

    Sapagkat Diyos ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanais at sa paggawa, para sa kanyang mabuting kalooban, Filipos 2:13,TKK 304.1

    Ipinangako ni Cristo ang kaloob ng Banal na Espiritu sa Kanyang iglesya, at ang ang pangako ay para sa atin gaya ng sa mga unang alagad. Ngunit tulad ng iba pang pangako, ibinibigay ito na may mga kondisyon. Marami ang naniniwala at naghahayag na inaangkin ang pangako ng Panginoon; nag-uusap sila tungkol kay Cristo at Banal na Espiritu, ngunit walang natatanggap na kapakinabangan. Hindi nila isinusuko ang kaluluwa upang gabayan at pamahalaan ng mga banal na ahensya. Hindi natin gagamitin ang Banal na Espiritu. Ang Espiritu ang gagamit sa atin. Sa pamamagitan ng Espiritu, ang Diyos ay gumagawa sa Kanyang bayan “sa pagnanais at sa paggawa, para sa kanyang mabuting kalooban.” Ngunit marami ang hindi magpapasakop dito. Nais nilang pamahalaan ang kanilang mga sarili. Ito ang dahilan kung bakit hindi nila natatanggap ang makalangit na kaloob.TKK 304.2

    Tanging sa mga naghihintay nang may kapakumbabaan sa Diyos, na nagbabantay sa Kanyang pamamatnubay at biyaya, ang Espiritu ay ibinigay. Naghihintay ang kapangyarihan ng Diyos sa kanilang kahilingan at pagtanggap. Ang ipinangakong pagpapalang ito, na inangkin ng pananampalataya, ay nagdadala ng iba pang mga pagpapala kasunod nito. Ibinibigay ito ayon sa kasaganaan ng biyaya ni Cristo, at handa Siyang magbigay sa bawat kaluluwa ayon sa kakayahang tumanggap.TKK 304.3

    Kapag ang Espiritu ng Diyos ang naghahari sa puso, binabago nito ang buhay. Ang mga makasalanang pag-iisip ay inalis, ang masasamang gawa ay tinalikuran; pagmamaahal, pagpapakumbaba, at kapayapaan ay pumapalit sa galit, inggit at alitan. Ang kagalakan ay pumapalit sa kalungkutan, at ang mukha ay sumasalamin sa kagalakan ng langit. Walang nakakikita sa kamay na pumapawi ng pasanin, o nakatatanaw ng liwanag na bumababa mula sa mga bulwagan sa itaas. Dumarating ang pagpapala kapag sa pamamagitan ng pananampalataya ang kaluluwa ay isinusuko ang sarili sa Diyos. Sa gayon ang kapangyarihang iyon na hindi nakikita ng mata ng tao ay naglilikha ng bagong nilalang sa larawan ng Diyos.TKK 304.4

    Ang Espiritu Santo ay ang hininga ng espiritwal na buhay sa kaluluwa. Ang pagkakaloob ng Espiritu ay ang pagkakaloob ng buhay ni Cristo. Ang Espiritu ay pumupuspostd sa tumatanggap ng mga katangian ni Cristo.— REVIEW AND HERALD, November 19,1908.TKK 304.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents