Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanalan, Marso 28

    Pagsikapan ninyong magkaroon ng kapayapaan sa lahat at ng kabanalan na kung wala nito'y walang sinumang makakakita sa Panginoon, Hebreo 12:14,TKK 95.1

    Mula pa noong walang hanggan, pinili na ng Diyos ang mga tao na maging banal. “Sapagkat ito ang kalooban ng Diyos, ang inyong pagpapakabanal: na kayo'y umiwas sa pakikiapid” (1 Tesaloniea 4:3). Dumarating sa atin ang alingawngaw ng Kanyang tinig, na palaging nagsasabing, “Higit pang banal, mas lalo pang banal.” At palaging ang dapat na sagot natin ay, “Opo, Panginoon, mas lalo pang banal.”TKK 95.2

    Walang taong tumatanggap ng kabanalan bilang isang pamana, o bilang regalo mula sa ibang tao. Ang kabanalan ay regalo ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo. Ang mga tumatanggap sa Tagapagligtas ay nagiging mga anak ng Diyos. Sila'y mga espiritwal na anak Niya, na muling ipinanganak, na binago sa katuwiran at tunay na kabanalan. Nababago ang kanilang mga isipan. Taglay ang mas malinaw na pananaw, nakikita nila ang mga walang-hanggang reyalidad. Inampon sila sa pamilya ng Diyos, at sila'y naging kaayon ng Kanyang larawan, binago ng Kanyang Espiritu mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian. Mula sa sukdulang pag-ibig sa sarili, natututo silang pahalagahan ang sukdulang pag-ibig sa Diyos at kay Cristo.TKK 95.3

    “Kaya't yamang tayo'y pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo” (Roma 5:1). Ang pagpapawalang-sala ay nangangahulugang pagpapatawad. Nangangahulugan ito na ang puso, na nilinis mula sa mga patay na gawa, ay handa nang tanggapin ang pagpapala ng pagpapabanal. Sinabi na sa atin ng Diyos kung ano ang dapat nating gawin para matanggap ang pagpapalang ito. “Isagawa niño ang inyong sariling kaligtasan na may takot at panginginig; sapagkat Diyos ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanais at sa paggawa, para sa Kanyang mabuting kalooban. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang pabulung-bulong at pagtatalo, upang kayo'y maging walang-sala at walang-malay, mga anak ng Diyos na walang-dungis sa gitna ng isang salinlahing liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong tulad ng mga ilaw sa sanlibutan” (Filipos 2:12-15).TKK 95.4

    Ang pag-ibig ng Diyos na iniingatan sa puso at ipinapahayag sa mga salita at gawa ay may higit na magagawa para iangat at pabutihin ang mga tao kaysa sa lahat ng iba pa. Sa buhay ni Cristo, nakatagpo ang pag-ibig na ito ng lubos at ganap na kapahayagan. Sa krus ni Cristo, gumawa ang Tagapagligtas ng katubusan para sa nagkasalang lahi. Ang kabanalan ay bunga ng sakripisyong ito. Ipinapangako sa atin ang dakilang regalong ito dahil namatay Siya para sa atin. At nasasabik si Cristo na ibigay ang regalong ito sa atin. Nasasabik Siyang gawin tayong kabahagi ng Kanyang likas. Nasasabik Siyang iligtas ang mga lumayo sa Diyos dahil sa pagkakasala. Tinatawagan Niya silang piliing maglingkod sa Kanya, na ibigay nang buo ang kanilang sarili sa Kanyang kontrol, na matutuhan sa Kanya kung paano ganapin ang kalooban ng Diyos.— SIGNS OF THE TIMES, Deeember 17,1902 .TKK 95.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents