Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Agosto—Pinukaw ng Espiritu

    Ibinigay na Kinasihan ng Diyos, Agosto 1

    Ang lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran. 2 Timoteo 3:16.TKK 226.1

    Itinuturo ng Biblia na ang Diyos ang manunulat nito; gayunman ay isinulat ito ng mga kamay ng tao; at sa magkakaibang istilo ng iba't ibang mga aklat nito ay nagpapakita ito ng pagkakakilanlan ng maraming mga manunulat. Ang mga katotohanan na inihahayag ay pawang “kinasihan ng Diyos”; gayunman ipinahayag ito sa salita ng tao. Siyang Walanghanggan sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu ay nagbuhos ng liwanag sa mga isip at mga puso ng Kanyang mga lingkod. Nagbigay Siya ng mga panaginip at mga pangitain, simbolo at mga hugis; at sa kanilang ang katotohanan ay inihayag ng ganoon ay kinatawanan sa kanilang sarili ang isipan sa wika ng tao.TKK 226.2

    Isinalita ng Diyos mismo ang sampung utos, at isinulat ng Kanyang sariling kamay. Nanggaling ang mga ito sa Diyos at hindi sa binuo ng tao. Ngunit ang Biblia, taglay ang mga katotohanang bigay ng Diyos na inihahayag sa wika ng mga tao, ay nagpapakita ng pagsasama ng Diyos at ng tao. Ang pagsasamang iyon ay umiiral sa likas ni Cristo, na Anak ng Diyos at Anak ng tao. Ang gayon ay totoo sa Biblia, kung paano kay Cristo, na “At naging tao ang Salita at tumahang kasama namin” (Juan 1:14).TKK 226.3

    Sinulat sa iba't ibang kapanahunan, sa pamamagitan ng mga taong nagkakaiba-iba ng antas at hanapbuhay, at sa mga kaloob na pangkaisipan at espiritwal, nagpapakita ang mga aklat ng Biblia ng malaking pagkakaiba ng mga istilo, gayundin ay pagkakaiba-iba ng likas ng mga paksang inihahayag. Iba't ibang ayos ng pagpapahayag ang ginagamit ng mga iba't ibang mga manunulat; madalas na ang gayunding katotohanan ay higit na kapansin-pansing naipapakita ng isa kaysa iba pa. At kung paano ang ilang mga manunulat ay nagpapahayag ng isang paksa sa ilalim ng magkakaibang aspeto at relasyon, ay maaaring may makita, sa isang mababaw, walang ingat, o may kinikilingang mambabasa, ng hindi pagkakatugma o kontradiksyon, kung saan ang nagiisip at mapitagang mambabasa, na may mas maliwanag na pagkaunawa, ay nakikita ang kinasasaligang pagkakaisa.— THE GREAT CQNTRQVERSY, pp. v, vi .TKK 226.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents