Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Napipighati ang Espiritu , Enero 25

    At huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Diyos, na sa pamamagitan Niya kayo'y tinatakan para sa araw ng pagtubos, Efeso 4:30,TKK 31.1

    Gusto ko sanang maalala ng lahat ng kapatid na isang napakaseryosong bagay ang pighatiin ang Banal na Espiritu; at napipighati ito kapag sinisikap ng tao na gumawa sa kanyang sarili, at tumatangging pumasok sa paglilingkod sa Panginoon dahil sobrang bigat ng krus o kaya'y napakalaki ng pagtanggi sa sarili. Nagsisikap ang Banal na Espiritu na tumira sa bawat kaluluwa. Kung tatanggapin ito bilang panauhing pandangal, yung mga tatanggap dito ay magiging buo kay Cristo; matatapos ang mabuting gawaing sinimulan; at ang maruruming kaisipan, salungat na damdamin, at mapaghimagsik na gawain ay mapapalitan ng mga banal na kaisipan, ng makalangit na pagmamahal, at mga gawaing kagaya ng kay Cristo.TKK 31.2

    Ang Banal na Espiritu ay banal na tagapagturo. Kung makikinig tayo sa mga aral Niya, tayo'y magiging matalino sa kaligtasan. Pero kailangan nating bantayang mabuti ang ating mga puso; dahil napakadalas na nalilimutan natin ang makalangit na aral na ating natanggap, at nagsisikap na kumilos ayon sa mga likas na hilig ng ating mga pag-iisip na hindi napabanal. Kailangang lumaban ang bawat isa sa kanyang sarili. Pakinggan mo ang mga katuruan ng Banal na Espiritu. Kung ginagawa mo ito, ang mga ito'y muli't muling nauulit hanggang sa ang mga impresyon ay gaya na ng tingga sa bato magpakailanman.TKK 31.3

    Binili tayo ng Diyos, at may inaangkin Siyang trono sa bawat puso. Kailangang maipailalim sa Kanya ang ating mga isipa't katawan; at kailangang pasunurin sa mas matataas na pangangailangan ng kaluluwa ang mga likas na ugali at hilig. Pero hindi tayo puwedeng magtiwala sa ating sarili sa gawaing ito. Hindi tayo ligtas na makasusunod sa sarili nating gabay. Dapat tayong baguhin at pabanalin ng Banal na Espiritu. At sa paglilingkod sa Diyos, dapat walang di-tapos na gawain. Silang nagsasabing naglilingkod sa Diyos pero nagpapalayaw sa mga likas nilang bugso ng damdamin ay magliligaw ng iba pang mga kaluluwa. Sabi ni Cristo, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo” (Mateo 22:37). “Gawin mo ito at mabubuhay ka” (Lueas 10:28).— MANUSCRIPT RELEASES, vol. 18, pp. 47, 48.TKK 31.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents