Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Dinadalaw Tayo ng Espiritu, Enero 22

    Sa Kanya'y kayo rin naman, na nakarinig ng Salita ng katotohanan, ng ebanghelyo ng inyong kaligtasan, at kayo na sumampalataya sa Kanya, ay tinatakan ng ipinangakong Espiritu Santo, Efeso 1:13,TKK 28.1

    Sa pamamagitan ng malalalim na pagkilos ng Espiritu ng Diyos, nabuksan sa aking harapan ang karakter ng gawain ng pagdalaw ng Espiritu ng Diyos. Binuksan sa harapan ko ang panganib na kalalagyan ng mga kaluluwang dinalaw nang ganyan; dahil pagkatapos nito'y kailangan nilang harapin ang mas mababangis na pagsalakay ng kaaway, na ipagpipilitan sa kanila ang kanyang mga tukso para ipawalang-bisa ang mga ginawa ng Espiritu ng Diyos, at maging dahilan para ang mahahalagang katotohanan na inilahad at sinaksihan ng Banal na Espiritu ay huwag malinis at mapabanal ang tumanggap sa liwanag ng kalangitan, at sa gayo'y maging dahilan para hindi maluwalhati si Cristo sa kanila. Ang panahon ng malaking espiritwal na liwanag, kung ang liwanag na iyan ay hindi iningatan at inaksyunan nang buong katapatan, ay magiging panahon ng katumbas na kadilimang espiritwal. Mapapawi sa isipan ang impresyong ginawa ng Espiritu ng Diyos, kung hindi pinahahalagahan ng mga tao ang banal na impresyong iyan at manatili sa banal na lugar ay mawawala sa isipin.TKK 28.2

    Yung mga gustong sumulong sa espiritwal na kaalaman ay kailangang tumayo sa mismong tabi ng bukal ng Diyos, at uminom nang paulit-ulit mula sa mga balon ng kaligtasan na mabiyayang binuksan sa kanila. Hindi nila dapat iwan ang pinagmumulan ng pamatid-uhaw; kundi patuloy na uminom ng tubig ng buhay na may mga pusong nag-uumapaw sa pasasalamat at pagmamahal sa pagpapakita ng kabutihan at pagmamahal ng Diyos. . . .TKK 28.3

    “Subalit sinabi Ko sa inyo na nakita ninyo Ako ngunit hindi kayo sumasampalataya” (Juan 6:36). Ito'y literal na natupad sa kalagayan ng marami; sapagkat binigyan sila ng Panginoon ng mas malalim na pananaw sa katotohanan, sa Kanyang karakter ng kaawaan at kahabagan at pagmamahal; pero pagkatapos na maliwanagan nang ganyan, sila'y tumalikod sa Kanya sa kawalang-pananampalataya. Nakita nila ang malalalim na pagkilos ng Espiritu ng Diyos; ngunit nang pumasok ang mga mapanganib na tukso ni Satanas, na sadya namang dumarating palagi pagkatapos ng panahon ng rebaybal, hindi sila nakipaglaban hanggang sa dumanak ang dugo, na nakikipagpunyagi sa kasalanan; at yung mga nakatayo na sana sa magandang kalagayan kung ginamit lang sana nila nang tama ang mahalagang liwanag na nasa kanila, ay nadaig ng kaaway. Dapat sanang itinanglaw nila sa mga kaluluwa ng iba ang liwanag ng Diyos na sumilay sa kanila; dapat sana silang gumawa at kumilos nang ayon sa mga sagradong ibinubunyag ng Banal na Espiritu; at dahil hindi nila ito ginawa, nalugi sila.— REVIEW AND HERALD, January 30,1894.TKK 28.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents