Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagbubukas ng Puso, Oktubre 9

    “Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga, Ang nananatili sa akin at ako'y sa kanya ay siyang nagbubunga ng marami, Sapagkat kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa,” Juan 15:5.TKK 297.1

    Nais ng Panginoon na gawing sisidlan ng banal na impluwensiya ang tao, at ang tanging bagay na humahadlang sa pagsasakatuparan ng mga plano ng Diyos ay ang pagsasara ng mga tao ng kanilang mga puso sa Liwanag ng buhay. Ang pagtalikod ang naging sanhi ng pag-alis ng Banal na Espiritu sa tao, ngunit sa pamamagitan ng panukala ng pagtubos, maibabalik ang pagpapalang ito ng langit sa mga taos-pusong nagnanais nito. Nangako ang Panginoon na ibibigay Niya ang lahat ng mabubuting bagay sa mga humihingi sa Kanya, at ang lahat ng mabubuting bagay ay tumutukoy sa mga ibinigay kasama ang kaloob ng Banal na Espiritu.TKK 297.2

    Habang higit nating natutuklasan ang ating tunay na pangangailangan, ang ating tunay na kahirapan, lalo nating nanaisin ang kaloob ng Banal na Espiritu; ang ating mga kaluluwa ay mababago, hindi tungo sa pagiging daluyan ng ambisyon at masamang palagay, kundi tungo sa daluyan ng taimtim na pagsusumamo para sa kaliwanagan ng langit. Dahil hindi natin nakikita ang ating pangangailangan, hindi napagtatanto ang ating kahirapan, kaya hindi tayo nagbubuhos ng taimtim na pagsusumamo, na tumitingin kay Jesus, na siyang nagtatag at nagpasakdal ng ating pananampalataya, para sa pagkakaloob ng pagpapala. . . .TKK 297.3

    Sinabi ni Jesus, “Humingi kayo, at kayo ay bibigyan; humanap kayo, at kayo ay makakatagpo, tumuktok kayo, at kayo'y pagbubuksan” (Mateo 7:7). Ayon sa ating pagpapahalaga sa pangangailangan at kabuluhan ng espiritwal na mga bagay, na hinahangad natin ang pagkamit ng mga ito. “Kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa,” sabi ni Jesus, gayunpaman marami ang nag-iisip na maaaring gumawa ang tao ng napakarami sa kanyang sariling lakas at karunungan. Handa si Satanas mag-alok ng kanyang payo upang makapanghikayat siya ng mga kaluluwa sa laro ng buhay.TKK 297.4

    Kapag hindi nararamdaman ng mga tao ang pangangailangan ng pagpapayo ng kanilang mga kapatid, may mali; nagtitiwala sila sa kanilang karunungan. Mahalaga na magsanggunian ang mga kapatid. Inatasan akong ipakiusap ito sa nakalipas na apatnapu't limang taon. Paulit-ulit na sinasabi ang tagubilin na yaong mga nakikibahagi sa mahalagang gawain sa panukala ng Diyos ay hindi dapat lumakad sa sarili nilang mga isip, kundi sama-samang magsanggunian.— MANUSCRIPT RELEASES, no. 2, p. 333.TKK 297.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents