Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Naghahanap ng Katotohanan, Abril 7

    “Sinasaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat iniisip ninyo na sa mga iyon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at iyon ang nagpapatotoo tungkol sa Akin,” Juan 5:39,TKK 106.1

    Dumating si Cristo sa anyo ng tao upang isakabuhayan ang kautusan ng Diyos. Siya ang Salita ng buhay. Dumating Siya upang maging ebanghelyo ng kaligtasan sa sanlibutan, at tuparin ang bawat hinihingi ng kautusan. Si Jesus ang salita, iyong aklat na patnubay, na kailangang tanggapin at sundin sa bawat detalye. Gaano kahalaga nga na magalugad ang mina ng katotohanang ito, at matuklasan ang mahahalagang kayamanan ng katotohanan at makamit bilang mahahalagang hiyas. Ang pagkakatawang-tao ni Cristo, ang Kanyang Kadiyosan, ang Kanyang pagtubos, ang kamangha-mangha Niyang buhay sa langit bilang ating tagapamagitan, ang gawain ng Banal na Espiritu—ang lahat ng mga buhay at mahahalagang temang ito ng Cristianismo ay nahayag mula sa Genesis hanggang sa Apocalipsis. Bumubuo ang mga ginintuang koneksyon ng katotohanan ng isang kadena ng nakakahikayat na katotohanan, at ang una, at laging kailangan, ay natatagpuan sa mga dakilang itinuro ni Cristo Jesus. Bakit hindi parangalan at itaas ang Kasulatan sa bawat paaralan sa lupa natin? Labis na madalang na maturuan ang mga bata, na dugo't laman ng Anak ng Diyos, upang pag-aralan ang Biblia bilang Salita ng Diyos, at manginain sa mga katotohanan nito!TKK 106.2

    “Sinabi nga sa kanila ni Jesus, ‘Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, malibang inyong kainin ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang Kanyang dugo, wala kayong buhay sa inyong sarili. Ang kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at siya'y muli Kong bubuhayin sa huling araw. Sapagkat ang Aking laman ay tunay na pagkain, at ang Aking dugo ay tunay na inumin. Ang kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking dugo ay nananatili sa Akin, at Ako'y sa kanya’ ” (Juan 6:53-56), “at ang tumutupad ng Kanyang mga utos ay nananatili sa Kanya, at Siya sa kanya. At dito'y nakikilala natin na Siya'y nananatili sa atin, sa pamamagitan ng Espiritu na Kanyang ibinigay sa atin” (1 Juan 3:24).TKK 106.3

    Kailangan ng bawat pamilya na pag-aralan ang Biblia. Dalisay na ginto ang mga salita ni Cristo, na wala ni isang tuldok ng dumi, malibang subukan itong ilagay roon ng mga tao, gamit ang kanilang makataong pag-unawa, at gawing tila bahagi ng katotohanan ang kamalian. Sa kanilang tumanggap ng maling interpretasyon ng Salita, kapag sinasaliksik nila ang Kasulatan na may matibay na pagsisikap na makuha ang bawat hibla ng katotohanan na nasa mga ito, binubuksan ng Banal na Espiritu ang mga mata ng kanilang pag- unawa, at magiging bagong kapahayagan sa kanila ang mga katotohanan ng Salita.— FUNDAMENTALS OF CHRISTIAN EDUCATION, pp. 385, 386 .TKK 106.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents